Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel sa relasyon niya kay Neil: Nasa dating stage pa lang kami

BAGO kami tumuloy sa Dolphy Theater na roon ang venue ng presscon ng La Luna Sangre ay dumaan muna kami sa dressing room ni Angel Locsin at inabutan naming kasama niya si Richard Gutierrez.

Kaagad namang bumeso ang aktres at sabay kaming inilapit kay Richard, “’te si Richard natatandaan mo?” Sabi namin, oo naman, unang ka-loveteam mo sa GMA (at nakipagkamay kami sa aktor).’

Masaya ang aktres na may special participation sila ni John Lloyd Cruz sa La Luna Sangre bilang sina Lia at Matteo (karakter nila sa Lobo) na gaganap na magulang ni Kathryn Bernardo sa karakter na Malia.

Paliwanag ni Angel, “Mahal na mahal ko kasi ‘tong project, (La Luna Sangre) kasi ‘di ba ‘Lobo’, naging ‘Imortal’. So talagang susuporta ako kina Daniel at Kathryn.”

Noong paalis na kami sa dressing room ay bumuling kami kay Angel kung ano na ang estado nila ni Neil Arce na lagi silang nakikitang magkasama.

“Sa totoo lang ate, dating stage palang kami as in,” nakangiting sabi sa amin.

Sagot namin ‘weeh, di nga?’

“Hindi pa, dating pa talaga. Siyempre kailangan pag-aralan, pag-isipan, alam mo na, mahirap na,” diin ng aktres.

Samantala, sa ginanap na Q and A ng La Luna Sangre ay natanong si Angel kung dumaan din siya sa training niyong Lobo days tulad ng ginagawa ngayon ni Kathryn.

“Wala po kasi kaming training noon, pero ‘yung mga baril-baril tulad niyong kina Papa P (Piolo Pascual) iningatan po nila talaga ako ng bonggang-bongga,” nakangiting sabi ng dalaga.

Pambubuking ni direk Cathy Garcia Molina, “naku si Angel po, palong-palo nga ito. ‘Di po ba alam naman nating lahat na mayroon siyang diperensiya sa likod na inayos ‘di ba, so inaalagaan na nating huwag ng bumalik, so ako naman (panay ang bilin) na ‘wag na po sanang gawin ‘yan’ kaso katigas ng ulo, ginagawa pa rin. Pinapa-dobolan ko na, ayaw (ni Angel), sabi niya, ‘gagawin ko ‘yan direk’ sabi ko, ‘wag na, dobol na lang, baka mawalan kami ng Angel Locsin, ayaw niya po talaga, siya ang gumagawa.

“Alam n’yo naman po si Angel Locsin, if she could do it, she really will. So ‘yung mga action scene po niya, siya po ang gumagawa,” kuwento ng direktor.

Ang katwiran naman ni Angel, “kung direktor ko nga po, ginagawa niya muna bago niya pagawa sa artista niya, bakit naman hindi ko gagawin ang trabaho ko.”

Mapapanood na ang La Luna Sangre sa Hunyo 19 mula sa Star Creatives.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …