HABANG tumatagal ang bakbakan ng pamahalaan at mga kriminal na grupong Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City ay lalong lumalaganap ang mga alingawngaw ng maling balita sa social media, ilang pipitsuging pahayagan at estasyon ng radyo’t telebisyon.
Ito ang dahilan kung bakit dapat maging maingat, subalit bukas at matapat ang pamahalaan sa pagpapahayag ng mga kaganapan sa Lungsod ng Marawi. Sa kabilang banda, dapat din maging maingat ang taongbayan sa kanilang pinagkukuhaan at ikinakalat na impormasyon.
Maraming grupo ang ibig maghasik ng kasinungalingan sa panahong ito para lalong mag-kagulo at maisulong nila ang kanilang pansariling interes. Hindi lahat ng lumalabas na balita ay totoo pero hindi rin naman lahat ay kasinungali-ngan. Dapat maging mapanuri ang bayan sa mga balita na kanilang tatanggapin.
Dapat makinig, manood o basahin ang mga balita mula sa mga mapagkakatiwalaang estas-yon ng radyo’t telebisyon, babasahin at website. Huwag basta-basta maniwala sa kung sino-sino, lalo’t hindi naman mga mamamahayag. Mag-ingat tayong lahat sa mga pekeng balita.
***
Dapat siguro ay manahimik na lamang si Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa madalas niyang pagsasabi na kanyang dudurugin ang mga kriminal na kumukubkob ngayon sa Marawi. Habang dumaraan ang mga araw at hindi nadudurog ang mga buhong ay lalo lamang siyang nawawalan ng kredibilidad.
Mantakin na lamang na mahigit nang isang linggo mula nang mag-umpisa ang kaguluhan sa Marawi pero hanggang ngayon naroon pa rin ang mga kriminal at naghahasik ng lagim. Marami na tuloy ang hindi naniniwala sa bokilya ni Pangulong Duterte. Mukhang hindi niya kontrolado ang sitwasyon kahit pa nagdeklara siya ng martial law sa Mindanao.
Kung tutuusin ay nakahihiya pa nga ang pag-dedeklara ng Pangulo ng martial law dahil lalo lamang naging mabangis ang mga walang Diyos na nasa likod ng karahasan sa Marawi.
***
Marami tayong nababasa sa artikulo mula sa mainstream media na nagsasabing pinasok o mayroon ng mga tangke sa Marawi. Kaso nga lang sa mga retrato at television footage ang nakikita ko na sinasabing nasa Marawi ay mga armored personnel carrier, hindi tangke.
Para sa kaalaman ng lahat, magkaiba ang tangke at APC. Ang tangke natin, kung gumagana pa, ay ‘yung gawa ng mga Ingles na Scorpion Light Tank na bahagi ng Philippine Army Light Armor Regiment o PALAR.
Wala akong nakikitang Scorpion Tank na naka-deploy sa Marawi.
***
Ang kaaya-ayang probinsiya ng Batanes sa dulong Hilagang Luzon ang kauna-unahang pro-binsiya sa buong bansa na naideklarang “drug free” ng Philippine Drug Enforcement Agency. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK