DAMA na ang pagpapalit ng panahon. Mula sa pagkainit-init na panahon ay biglang bumubuhos ngayon ang malakas na ulan.
Mula sa maalinsangan pero panatag na paglalakad sa kalye ay biglang tumataas ang baha, maruming baha sa kalye na nagbibigay ng pangamba sa publiko.
Ilang araw pa, nakatatakot na naman ang mga sakuna at trahedya.
Ang tanong: handa na ba ang publiko sa pagpapalit ng panahon? Preparado na ba ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para tiyakin na ligtas ang publiko sa nagbabantang kalamidad kaakibat ng pagpapalit ng panahon?
Sana nga ay handa na ang lahat.
Lalo na ngayong nagsimula na ang pagpasok sa mga pampublikong paaralan na karamihan sa mga mag-aaral ay walang ibang maaasahan kundi ang mga naghahatid at sumusundong magulang.
Ayan na, ayan na, ang ulan!