BAGAMA’T may area ng bahay na challenging, hindi ibig sabihin na ito ay may bad feng shui. Ang ibig sabihin lamang nito ay kailangan mong magsumikap para makabuo ng good feng shui energy sa nasabing erya.
Kaya posible ring magkaroon ng good feng shui sa laundry room, katulad sa closet, garage, at sa basement.
Narito ang 3 main steps para sa good feng shui sa laundry room:
*Sa ano mang challenging space, kailangan na ito ay ma-clutter clear at maorganisa nang mabuti.
*Maglaan ng panahon sa pagtukoy sa laundry room needs at mag-isip nang mabisang paraan sa pag-organisa nito upang mapunuan ang nasabing mga pangangailangan. Ang maximum shelving space at attractive storage containers ay kailangan; dapat ding mabatid kung ano ang mga posibleng kailangan sa specific laundry room.
*Lagyan ng dekorasyon ang laudry room para sa good feng shui.
ni Lady Choi