Monday , December 23 2024

P79-M sa Marawi ibili ng armas laban sa terorista

UNA sa lahat, nais kong batiin ang aming BOSS, Jerry Yap, ng maligayang kaarawan. Isang mapagkumbabang BOSS – isang boss na ang turing sa amin ay hindi kawani kundi kaibigan. I and my family are really blessed to have you sir as my boss. I thank God for this blessing. Maraming salamat and happy birthday ulit. May God’s protection be with you always and to your family.

***

Wow! Ang laking halaga ng salapi, cash at tseke P79 milyon ang natuklasan ng militar sa isa sa bahay na pinagkukutaan ng Maute group sa Marawi City nitong Lunes.

Nakalululang bulto-bultong cash. Saan kaya galing ang napakalaking pondo? Mula kaya ito sa labas ng bansa partikular sa ISIS, ang sinasabing teroristang sumusuporta sa Maute?

Wala pang komento ang AFP hinggil kung saan nanggaling ang milyones pero kanila pa itong iniimbestigahan partikular ang mga tseke.

Sa pamamagitan ng tseke maaaring matunton kung sino ang mga sumusuporta sa Maute. Puwede rin kasing may local support ang grupo bukod sa international.

Ngunit, ang katanungan…pag-aari kaya ng Maute ang P79M?

Ano ‘yon, dala-dala nila o baon nang lusubin ang Marawi o sa tuwing may gagawin silang pag-atake. Magdadala ang Maute ng milyones? Para saan? Pambili ng armas habang nakikipaglaban?

Hindi rin kaya matagal nang may hideout ang Maute sa Marawi kaya nakapagpaimbak na sila ng ganoong kalaking pondo sa natuklasan hideout?

Maaari… hindi naman puwedeng sabihin na kapapadala lang sa Maute ang P79M habang tinatangka nilang kubkubin ang Marawi? Labo yata no’n.

Teka, ano ang pinakamalaking banko sa Marawi? Wala bang nadiskubreng banko na pinasok sa lungsod habang nasa kasagsagan ng giyera at tinangayan ng salapi?

Kung mayroon man siguro, marahil hindi ganito kalaking halaga ang nakatago sa banko.

Pero ano pa man, hayaan muna natin ang pamahalaan sa kanilang imbestigasyon. Nawa’y nabuko din ng gobyerno kung sino ang malalaki at maiimpluwensiya na sumusuporta sa Maute?

P79 milyon! Napakalaking halaga. Puwedeng puwede nang ipambili ng gobyerno ng mga bagong matataas na armas na puwedeng gamitin laban sa Maute at Abu Sayyaf Group.

Gamitin na ang nasabing halaga bago pa unti-unting kupitin ng mga tiwali sa gobyerno. Mahirap kayang pagkatiwalaan ang ilan sa nakaupo sa gobyerno. Mabuti sana kung tulad nila si Pangulo Duterte na kapakanan muna ng bayan ang prayoridad.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *