KOMPORTABLE ba si Aicelle Santos na nasasama sa mga soap na umaarte dahil kilala siyang singer at TV host?
“Bago po ako napunta sa soap, nakapag-teatro muna po ako so, naging magandang training po ‘yun para sa akin. Although, noong mapunta ako ng soap, lumiit .. hindi ba ’pag nasa teatro ka, ang lapad ng arte mo. Hanggang pinakadulo na nagbayad ng tatlong daan, ‘di ba? So, rito liliitan mo lang,” reaksiyon niya.
“Nasa proseso pa rin ako ng pag-learn, ng pagkatuto ng mga bagay-bagay. Natutuhan ko po ‘yun sa mga kaeksena ko,” bulalas niya dahil mas komportable siya sa pagkanta talaga.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro