Saturday , November 16 2024

Pulis-Malabon sugatan sa ambush

MALUBHANG nasugatan ang isang pulis makaraan pagbabarilin ng walong lalaking lulan ng apat motorsiklo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila ang biktimang si PO3 Rommel Abarro, 45, ng Block 112, Lot 36, Heritage Homes, Brgy. Gregorio, Trece Martires, Cavite, at nakatalaga sa Malabon Police Intelligence Unit.

Sa inisyal na report na isinumite sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) director, C/Supt. Roberto Fajardo, dakong 8:30 pm, binabagtas nina Abarro at ang kanyang asawa ang Road 10 Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Tinamaan sa balikat ang biktima pero nakaligtas ang kanyang misis.

Bagama’t sugatan, nagawang patakbuhin ni Abarro ang sasakyan ngunit hinabol sila ng mga suspek hanggang makarating sa Vitas Katuparan Bridge sa Tondo, at gumanti ng putok ang biktima.

Humingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrolyang mga operatiba ng Manila Police Station 1 na nagdala sa kanya sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa tangkang pagpatay sa biktima na dating miyembro ng Malabon Police Drug Enforcement Unit.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *