Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stevenson giniba si Fonfara sa round 2

DINIMOLIS ni Adonis Stevenson si Andrzej Fonfara sa Round Two para mapanatili ang korona sa WBC light heavyweight  na ginanap sa Bell Centre sa Montreal.

Pinabagsak ni Stevenson sa unang round si Fonfara sa pamamagitan ng matinding kaliwa. Sa nasabing yugto ay gahibla nang nakasalba si Fonfara sa uumulang suntok ng kampeon.

Sa Round Two ay lalong naging mabalasik si Stevenson sa kanyang atake at lumanding ang apat na pinakawalang niyang straight  left para tuluyang magiba si Fonfara.

Isinalba ni trainer Virgil Hunter ang kanyang boksingero sa nalalabing 28 segundo nang sumenyas ito sa reperi na sapat na ang gulping inabot ni Fonfara.

Ito ang ikalawang panalo ni Stevenson laban kay Fonfara na tinalo rin niya noong 2014 via unanimous decision.

Sa panalong iyon ni Stevenson ay nag-imprub ang kanyang ring record sa 29-1, 24 knockouts.  Si Fonfara ay sumemplang sa karting 29-5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …