Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jao Mapa, isang kariton teacher sa pelikulang New Generation Heroes

KAKAIBANG papel ang natoka kay Jao Mapa sa pelikulang New Generation Heroes ni Direk Anthony Hernandez. Ang pelikula ay based on true events at nagpapakita ng apat na klaseng guro na may kanya-kanyang kuwento. Makikita rito sina Salvacion Fajardo, Gener, Lolita at Cora, ang apat na indibidwal na humaharap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay.

Kung paano sila magpapakita ng katatagan ay siyang titimbang sa kanilang pagkatao. At kung paano sila gumawa ng desisyon sa bawat pagsubok ay si-yang sasalamin kung paano sila hinubog ng panahon at mga leksiyon na natutunan sa buhay, na sa kabila ng kanilang pagiging ordinar-yong tao, ay matatawag din silang mga bayani ng makabagong henerasyon.

Ayon kay Jao, masaya siya sa kanyang bagong pelikula, bukod kasi sa isa siya sa apat na bida rito, gumaganap si-yang guro sa naturang pelikula. Ang peg ng role niya ay si Efren Peñaflorida, ang binansagang pushcart educator dahil nagtuturo siya sa kalye sa mga streetchildren gamit ang kanyang kariton. Dahil dito, noong 2009 ay naging CNN Hero of the Year si Efren.

“Enjoy naman ako sa paggawa ng project na ito, relax lang kasi at walang pressure. Lalo na kapag indie film, talagang nandoon ‘yung respect. So, masayang katrabaho si Direk Anthony na ngayon ko lang nakatrabaho, masarap at masaya ang trabaho rito,” saad ni Jao na dating member ng Guwapings.

Dagdag niya, “Nagpapasalamat lang ako na may dumarating pa rin na opportunity para ma-gamit ko ‘yung aking kakayahan, ang aking talento. Lalo na rito sa mga ganitong pelikula, na isang advocacy movie.”

Nabanggit pa ni Jao na thankful siya dahil marami silang eksena rito ng beteranang aktres na si Ms. Anita Linda. “Siyempre, isang malaking karangalan na makatrabaho siya. I would help her memorize her lines along with the patience of the whole crew and Direk Anthony.

“At most, hangang take three kami. And she’d tell me stories that she was a photo model for Amorsolo, the national artist. The portrait hangs on her wall. Kaya exciting at happy ako na makasama ko siya sa maraming eksena rito.”

Bukod kina Jao at Ms. Anita, tampok din sa New Generation Heroes sina Aiko Melendez  at ang model/fashion and jewelry designer na si Joyce Peñas.

Kasama rin sa movie sina Gloria Sevilla, Dexter Doria, Debraliz Valasote, Rob Sy, Alvin Nakasi, Aleera Montalia, JM del Rosario, Andrea Kate Abellar, at iba pa. Ito’y mula sa Golden Tiger Films ni Mr. Gino Hernandez at ipalalabas this September.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …