Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Flying V, Gamboa Coffee Mix asam ang liderato

MAGHIHIWALAY ng landas ang mga baguhang Flying V at  Gamboa Coffee Mix na magtutuos para sa solo liderato sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 10 am Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay target ng Cignal HD ang ikalawang sunod na panalo kontra sa Zark’s Burgers.

Kapwa nagwagi ang Flying V at Gamboa Coffee Mix sa kani-kanilang opening day assignments.

Nakakumpleto ng three-point play si Jeron Teng upang talunin ng Flying V ang Cignal, 86-84. Nagbuslo naman ng game-winning free throw ang playing coach na si Leonides Svenido upang maungusan ng Gamboa Coffee Mix ang Zark’s, 85-84.

Bukod kay Teng, ang iba pang pambato ni Flying V Thunder coach Eric Altamirano ay si Thomas Torres, at ex-pros Joshua Webb, Bacon Austria, Gab Banal, Eric Salamat at Hans Thiele.

Katapat nila sa Gamboa Coffee Mix ang mga ex-pros na sina Ken Acibar, Jens Knuttle, Marcy Arellano at Val Acuna kasama ng mga amateurs na sina Mark Sarangay, Jett Vidal, Gino Jumao-as at Alvin Padilla.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …