Monday , December 23 2024

Sandiganbayan okey sa ‘delaying tactics’ ni Bong Revilla, et al

00 Kalampag percyKINANSELA na naman ng Sandiganbayan First Division ang nakatakdang pagdinig sa kasong plunder ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., kahapon.

Tiyak na ikinatutuwa ni Pareng Bong at ng kanyang mga abogado ang ika-anim na beses nang postponement sa paglilitis ng kanyang kaso sa Sandiganbayan.

Ayon kay Associate Justice Efren Dela Cruz, muling ipinagpaliban ang pagdinig sa kaso base sa apela ng kampo ni Revilla kaugnay ng mosyon na nauna nang ibinasura ng Sandiganbayan.

Sadya ba talagang mapagbigay at mabait ang Sandiganbayan sa mga akusado kapag katakot-takot ang nadambong na pera sa pamahalaan?

Duda na tayong sinasadya ng Sandiganbayan na ipagkaloob ang lahat ng hirit na mosyon cum ‘delaying tactics’ ng mga mandarambong para tumagal ang kaso.

Siyempre, kapag tumagal ay madali nang iaabsuwelto ang mga akusado, gamit ang ‘template’ na desisiyon ng Sandiganbayan na kung tawagin ay ‘inordinate delay’ sa kaso.

Ibig sabihin, ang mabagal na pag-usad ng kaso sa Sandiganbayan ay sintomas naman ng nalalapit na paglaya ni Pareng Bong and company.

‘Yan ba ‘yung sinasabing ‘inordinate delay’ na puwedeng ibasura ng Sandiganbayan ang kaso kahit sila naman pala ang nagpapatagal?

Malamang, lihim na nagtatatalon si Pareng Bong at ang kanyang mga abogado kahapon sa loob ng PNP custodial center matapos pagbigyan ang hirit sa Sandiganbayan para mapatagal ang pag-usad ng kaso.

Hindi kaya puro postponement na lang at wala nang maganap na paglilitis sa kasong plunder ng mga mambabatas na sabit sa PDAF scam?

Tanong sa atin ng isang mandurukot sa Quiapo na matagal nang preso sa Manila City Jail, “Magkano at saan po kaya nabibili ang inordinate delay?”

Sagot ko na lang, “Hayaan mo, ipatatanong natin sa Supreme Court.”

Santisima!!!

‘SPA-KOL’ CITY
ANG MAKATI?

MISTULANG pugad na raw ng ‘SPA-KOL’ ang lungsod ng Makati, ayon sa ating mga impormante.

Sa Metro Manila, Makati umano ang may pinakamaraming ‘spa-kol’ ngayon para sa mga kalalakihang mahilig magparaos.

Para sa kaalaman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dir. Oscar Albayalde hindi kukulangin sa 20 ang spa-kol na lantaran at walang takot na nag-o-operate sa jurisdiction ni Sr. Supt. Tomas C. Apolinario sa Southern Police District (SPD).

Ang masaklap, sa residential area pa mismo ng lungsod matatagpuan ang ilang spa-kol na ang alok na specialty sa mga lalaking parokyano ay kasamang paliligo sa mga inilalako nilang bebot na karamihan ay menor de edad pa.

Hindi naman makapagsumbong sa Makati City Hall at sa Makati Police ang mga residente ng San Antonio Village dahil tiyak na magmumukha lang silang mga tanga at gago.

Paano raw sila magrereklamo sa Office of the Mayor kung ang mga spa-kol na prente ng prostitusyon ay ilang hakbang lang pala ang layo sa bahay ng pamilya Binay?

Ang ilan sa mga tinutukoy na spa-kol na kapit-bahay ng pamilya Binay sa San Antonio Village ay ang Siren Spa sa 2-F ng Teresita Mansion sa P. Ocampo Sr. Ext.; Cacha Spa sa 2/F ng Makati Curb Holdings sa kalye Yakal; at ang Heiteki Spa sa kalye Bagtikan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *