Friday , November 15 2024

Naduro?

GANO’N-GANO’N na lang kung murahin o ‘di kaya ay bastusin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang sino man na hindi sumasang-ayon sa kanya maging pinuno ng isang bansa tulad ni Barack Obama kaya kataka-taka na hindi niya pinagmumura si Pangulong Xi Jinping ng Tsina matapos siyang pagbantaan nito ng digmaan kung ipipilit niya ang pagminina ng langis sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ni wala tayong naulinigang ungol mula sa matabil na Pangulo ng bansa matapos siyang duruin sa Beijing.

Bagkus binigyang katuwiran pa niya ang pangyayari sa pagsasabing wala tayong laban sa Tsina kung sakaling digmain tayo.

Tama na wala tayong laban sa Tsina lalo na’t walang tutulong sa atin, kahit na ang Amerika, pero hindi tama na nilunok na lamang niya ang gayong trato sa atin kahit noong siya ay dumating na sa bansa mula sa Tsina. Ang ginawa sa kanya ni Xi ay malinaw na kawalan ng respeto sa kanyang pamunuan. Ang mga ganitong banta, kung sakali mang totoong naganap, ay hindi normal sa mga ‘magkaibigang bansa.’

May palagay ako na nawawalan ng respeto sa kanya si Xi dahil sa mga uli-uli niyang pahayag sa maraming bagay, lalo kung may kaugnayan sa landas na ibig tahakin ng administrasyong Duterte pagdating sa pakikipag-ugnayan sa Tsina. Mukhang hindi pala kasi maaasahan ang salita ng panggulo.

Lumalabas din na hindi pala talaga buo ang loob ng pangulo lalo na kung ang kaharap niya ay tunay na malakas gaya ni Xi. Tanging ‘yung mga hindi basagulero o walang kakayahang pumalag lamang pala ang kaya niyang duruin at banatan.

Ngayon, hindi pala talaga kataka-taka kung bakit pawang maliliit na tao ang biktima ng kanyang “war on illegal drugs,” kung bakit ang mga laban sa interes ng malalaking korporasyon tulad ni Bb. Gina Lopez ay hindi niya mapanindigan at kung bakit ang sinasandigan niya ay kultura ng kadiliman at karahasan.

* * *

Walang interes sa diskurso ang administrasyong ito. Basta’t hindi kakampi babanatan sa iba’t ibang paraan na kaya niyang gawin. Gagamitan ng tinatawag sa wikang Latin na argumentum ad hominem na ang ibig sabihin ay imbes sagutin ang punto ng argumento ay babanatan ng administrasyong ito ang katauhan o personalidad ng nakikipag-argumento.

* * *

Walang sino man ang higit pa sa batas kaya hindi dapat umabuso ang administrasyong Duterte sa pagpapatupad ng batas militar sa Lungsod ng Marawi. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *