HINDI lang mga pulis at sundalo na ngayon ay nasusuong sa bakbakan sa Mindanao (Marawi) laban sa mga terorista ang dapat nating papurihan at pasalamatan.
Dapat din natin pahalagahan ang mga katoto sa MEDIA na ngayon ay naroon sa Mindanao para ipaalam sa atin kung ano ang tunay na nagaganap sa Marawi.
Kung sasabihin na iyan ay bahagi ng trabaho ng isang media man, totoo po iyan.
Pero may kasabihan ang mga mamamahayag: “You’re only as good as your last story.”
Ano man ang mangyari sa isang mamamahayag, siya ay matatandaan sa huling istorya na kanyang isinulat o naitala sa kasaysayan.
Kaya nga, bawat istorya ng isang mamamahayag ay itinuturing na mahalaga sa kanyang karera kaya kinakailangan maisulat ito batay sa wastong detalye at tapat sa layunin na maihatid ang katotohanan.

Gaya nga ng mga mamamahayag na naroroon ngayon sa Marawi na isinuong na rin ang isang paa nila sa hukay.
Iba ang sitwasyon nila ngayon sa Marawi.
Kahit may dala o baon silang pera, wala naman silang mabilihan ng pagkain at tubig.
Hindi pa sila sigurado kung malinis ang tubig na kanilang mabibili.
Sabihin man na nagtatrabaho sila para sa kanilang kompanya, pero klaro na ang ultimong layunin nila ay makapaghatid ng pinakasariwang balita para sa mamamayan.
Sa madaling sabi, malaking sakripisyo rin ang dinaranas ngayon ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Marawi.
At sa kanilang tapat na pagganap sa kanilang tungkulin, masasabi nating sila ang mga tunay na taliba ng bayan.
Saludo ako sa inyo, mga katoto!
LIMANG-TAON BISA
NG DRIVER’S LICENSE,
KONGRESO PA
ANG NAG-UUSAP?!
WATTAFAK!

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com