Saturday , November 16 2024
dead gun police

Retiradong ninja cop todas sa ratrat (Indian national, 1 pa sugatan)

PATAY ang isang dating pulis, kabilang sa talaan ng high value target (HVT) dahil tukoy na kabilang sa grupo ng “Ninja cops” ngunit nag-early retirement, habang dalawa ang sugatan nang madamay sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang gym sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si dating SPO3 Dennis Padpad, 47, at residente sa 2117 Silahis St., Sta. Ana, tinamaan ng sampung bala sa ulo at katawan.

Si Padpad ay huling nakatalaga sa Sulu ngunit maagang nagretiro habang isinagawa ang internal cleansing ng PNP.

Ginagamot sa Sta. Ana Hospital si Harkamal Preet-Singh, 23, Indian national, ng 2322 Oro St., San Andres Bukid, habang dinala sa Makati Medical Center si Rick Jezriel Zamora, 22, ng Unit 1E Banlagyas Condominium sa Raymundo St., Sta. Ana.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, naganap ang insidente dakong 6:20 pm habang nasa loob ng SMJV Body Fitness Gym ang mga biktima.

Biglang dumating ang apat suspek, lulan ng dalawang motorsiklo at pinagbabaril ang dating pulis,  minalas na tinamaan ng bala ang dalawang sugatang biktima. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *