Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, ‘di totoong buntis

ITINANGGI ng Home Sweetie Home star Ellen Adarna sa PEP ang isyung buntis siya. Hindi rin natukoy kung sino ang nakabuntis sa sexy actress.

Nagbabakasyon lang siya sa Cebu ng almost one month para makapiling ang kanyang pamilya.

Hindi kaya magkaroon din ng episode na kunwari mabubuntis ni Romeo (John  Lloyd Cruz) si Ellen bilang si  Tanya sa Home Sweetie Home pero tsismis lang pala ng mga kaopisina nila?

Well, magandang gawin ‘yan para lalong uminit ang pagkaka-link ni JLC kay Ellen.

Bukod kay Baste Duterte, na-link din si Ellen kay John Lloyd.

Pak!

Jolina, handa nang sundan si Pele, wish ang kambal na anak

Ready na si Jolina Magdangal na sundan ang baby nila ni Mark Escueta na si Pele.

“Hindi naman sa naghahabol, pero parang gusto na talaga namin siyang sundan. Siguro, ayoko na lang isipin na kailangang-kailangan, ‘di ba ‘pag lagi mo iniisip, hindi lalo nabibigay? Pero wishing kami kasi ayoko rin talaga na malayo agwat and ang edad,” lahad ni Jolens sa presscon ng ine-endorse nilang Super Twins Easy Wear Baby Pants diaper ng Megasoft Hygienic Products, Inc..

“Sana talaga, sana masundan na siya this year. Kasi gusto ko, alagaan niya rin, eh. Ayoko talagang malayo agwat. Gusto ko talaga, close sila.”

Wish din niya na sana ay kambal ang ibigay sa kanila ng Diyos.

“Alam n’yo sa totoo lang, nagwi-wish po talaga ako. Wala lang kami sa lahi, eh. Pero sana po, super twins talaga siya, ‘yung may mga power,” sambit pa ng TV host-actress-singer na may halong pagbibiro.

“Hindi, kasi para isang iri na lang, dalawa na agad. Gusto ko po talaga, lima, eh. Gusto ko talaga nagsisiksikan kami, siguro kami ngayon, dahil tatlo lang po, parang nakokontian pa ‘ko roon. Kasi may mga pinsan ako na lima sila, ang saya ‘pag maraming mga pinsan. Para ‘pag nagka-apo pa, siksikan sa bahay ‘pag matanda na kami,” bulalas pa ni Jolina.

Anyway, pangalawang taon na ng Escueta family bilang endorser ng Super-Twins Premium Diaper at ang bagong produkto ngang Super Twins Easy Wear Baby Pants.

Sey ng VP Marketing of Megasoft Hygienic Products, Inc. na si Ms. Aileen Choi-Go, sobrang grateful siya sa Escueta Family for being the face of the Super Twins brand for two years now. Napaka-effective na endorsers ng mag-anak dahil ang lakas ng sales ng kanilang produkto.

Bongga!

ATTY. ACOSTA,
SINUPORTAHAN
ANG BUBOG

SINUPORTAHAN at pinanood nina PAO Chief Persida Acosta at Annabelle Rama ang premiere night ng pelikulang Bubog na ginanap sa Fisher Mall Cinema. Ito ay sa paanyaya ng isa sa producer at introducing sa pelikula na si Atty. Jemina Sy.

Sa pelikulang Bubog ay gumanap si Sy bilang isang high class na drug pusher at police asset. Nagampanan naman niya ang nasabing role at pasado rin ang acting niya bilang isang baguhan.

Sa personal ay medyo kikay si Jemina, pero by profession ay isa siyang attorney.

Bakit ba niya naisipang umarte samantalang isa siyang abogada?

“It has always been my dream na maging actress at lumabas sa TV. It’s my first love,” pakli niya.

Isa si Jemina sa mga naka-eksena ni Baron Geisler sa Bubog pero dahil sa ihian issue nina Baron at Ping Medina, tinanggal ang dalawang actor. Pinalitan din sila at inalis ang mga nagawa na nilang eksena.

Nanghihinayang ba si Atty. Jemina sa pag-edit ng scene nila?

“Medyo, kasi siyempre ano eh, it’s my first acting scene talaga tapos magaling naman din si Baron, so nakapanghihinayang na nawala siya roon sa mismong movie,” tugon niya.

Markado sana ang eksena nila ni Baron dahil mayroong sampalan scene.

“Sampalan talaga, ‘yung isang scene lang iyon, one of the scene lang iyon, ‘yung nag-aaway kaming dalawa, Sinampal niya ako, so sinampal ko rin siya.

“Medyo masakit siyempre, kasi real life ‘yung pagganap namin. Kaya sinampal ko siya nang totoo, nng bonggang-bongga. Na-shock din siya, nagulat din siya at sabi niya, ‘Masakit iyon ah.’ Sabi niyang ganyan after the shoot,” lahad pa ni Atty. Jemina.

Ang Bubog ay prodyus ng Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Saycon. Bukod kay Atty. Jemina kasama rin sina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Raffy Reyes, Janice Jurado, Kristofer King, Chanel Latorre, Rommel Padilla, Joshua de Guzman at iba pa. Ito ay sa direksiyon ni Arlyn Dela Cruz.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …