Friday , November 15 2024

Kung solusyon ang martial law, why not?

EKSAKTONG isang linggo ngayon ang krisis sa Marawi City. Marami na rin nabuwis na buhay, hindi lamang sa hanay ng pulisya o militar kundi maging sa sibilyan. Sinasabing ilan sa pinatay ng teroristang Maute ay pinugutan ng ulo.

Bukod dito, tumangay pa ang mga bandido ng ilang hostages, kabilang rito ng isang pari. Ginagamit nila bilang panangga o human shield. Ibig sabihin, may pagkaduwag ang mga terorista. May pagkaduwag dahil kinailangan pa nilang magtago sa abito ng pari.

Marami ang naging katanungan sa pagsalakay ng Maute sa Marawi City… isa nga sa pinaka-mabigat na kuwestiyon, “Hindi ba nagawang abu-tin ng AFP ang plano  ng Maute?” Isa pa sa mga katanungan, “Hindi ba may intelligence fund ang AFP na ginagamit sa paniniktik sa mga kalaban ng gobyerno, so, paano nakalusot ang Maute?”

Ibig bang sabihin nito, hindi nagagamit sa wastong gastusin ang intel fund ng AFP? Hindi ‘este, hindi nga dahil kung nagamit sa tamang paraan, malamang nasawata ang plano ng Maute at sa kasalukuyan ay tahimik ang pamumuhay sa Marawi.

Ano pa man, hindi na kailangan pang pagtalunan ang patuloy na nangyayaring barilan sa Marawi City at sa halip, bilang mamamayan at ha-ngad nang  matapos na ang kaguluhan sa Marawi, gawin natin ang ating responsibilidad.

Hindi na kailangan pa ang personal na tulong natin sa lugar kundi tanging maitulong natin ay sama-sama natin ipanalangin ang Marawi City lalo na ang proteksiyon ng mga kababayan natin sa lugar partikular ang mga sundalo na humaharap sa mga bandido.

Oo, ‘wag na natin hanapan pa ng butas ang AFP kung sakaling naging inutil ang kanilang intel network kaya sila’y nalusutan, sa halip kailangan ng AFP at PNP ngayon ang tulong ng bawat isa… dasal at hindi pamimintas o pagbatikos ang ka-ilangan nila.

Pero, masyado nga bang naging maluwag ang AFP kaya sila nalusutan ng Maute? Minsan nang ipinagmalaki ng AFP na durog na ang Maute pero, ano ito? Parang mas lumakas pa ang pu-wersa ng Maute na kanilang minaliit. Nakipagsanib pa ang grupong Abu Sayyaf.

Kaya, ang resulta’y nagawang pasukin ng Maute ang Marawi dahilan naman upang kinaila-ngan ni Pangulong Duterte na ideklara ang martial law sa buong Mindanao. Martial law na kinukuwestiyon ng marami pero pinapaboran nang mas nakararami.

Kung batas militar ang nakitang solusyon ng Pangulo sa kaguluhan, sige.. why not?  Pero hanggang kailan ang Martial Law sa Mindanao? Dalawang buwan (60 araw ) o hanggang humupa ang krisis? Umabot man sa 60 araw o higit pa, ang mahalaga ay magkaroon ng positibong resulta – ang tuluyan nang masugpo ang Maute.

‘Ika nga, humaba man o tumagal ang martial law sa Mindanao, ang mahalaga ay masugpo ang lahat ng mga kumikilos na terorista sa isla. Pero, maging mapagbantay  ang lahat para hindi abusuhin ng mga sundalo ang Martial Law tulad ng mga nangyari noong panahon ni dating Pangulong Marcos. Inabuso ng maraming sundalo ang batas militar. Kulang na lang, lahat ng mamamayan noon ay puwedeng nilang damputin at patayin.

Kaya, maging mapagbantay tayong lahat kahit na pabor tayo (ngayon) sa idineklarang martial law ni Pangulong Duterte.

Teka, kulang pa ba ang puwersa ng PNP at AFP sa Marawi? Ipadala roon ang mga pulis sca-lawags, at ninja cops. Gamitin nila roon ang kanilang kayabangan – gamitin sa Maute para matapos na ang kanilang buhay.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *