PINABULAANAN ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez ang blind item na buntis siya nang dumalo sa PMPC (The Philippine Movie Press Club, Inc.) Celebrity Screening ng Bhoy Intsik sa Cinema 5 ng Fisher Mall.
“Opo aware po ako sa blind item na ‘yun kasi sabi ng mga friend kong nakabasa, parang ako raw ‘yun. Sabi ko, hindi totoo na buntis ako. Nagpo-post nga ako kung saang beach nagpupunta, at saka hindi naman totoo. Makikita n’yo naman kung buntis ako o hindi, eh! ‘di ba?,” pagdi-deny niya.
Pero marami ang nakapansin na medyo lumusog siya.
“Oo, tumaba ako …aminado naman ako, eh!,” pakli niya.
Bakit ka nagpataba?
“Ganoon talaga ‘pag masaya, eh.,” katwiran niya.
Saan siya masaya? Sino ang nagpapasaya sa kanya?
“Wala, masaya ako sa buhay ko ngayon at masaya ako sa career ko dahil kare-renew ko lang ng contract ulit (sa GMA) last month lang. And mayroon akong upcoming movie rin,” sey niya.
“Siguro, na-enjoy ko lang ang bakasyon ko at nagkakain. Sinulit ko ang bakasyon ko habang walang trabaho, eh,” tugon pa niya.
Nagpunta siya sa Bangkok, Phuket, Singapore. Sinulit niya ang kakakain kaya pagdating ng Pilipinas ay bumabalik siya sa rati. Basta ngayon nagda-diet na siya at naggi-gym dahil may bago siyang teleserye na gagawin.
Pero ano ‘yung chism na nali-link siya sa rich na politician? At gusto niyang balikan ang dating bf na actor?
“Boyfriend? Wala akong binabalikan? And I’m happy with my life now,” bulalas pa niya.
“Deadma ako kasi masaya ako sa buhay ko ngayon. Sila ba masaya? Ha!ha!ha!,”dugtong pa niya.
Bakit hindi mamatay-matay ang isyu tungkol sa isang politician?
“Oo nga, eh. May nabasa rin ako na nali-link ako sa actor politician. Marami akong kaibigan. May friend din akong actor-politician din pero wala pa akong nakakarelasyon,” paglilinaw niya.
Eh, ‘yung politician na nali-link sa kanya na nagbigay umano sa kanya ng condo?
“Hala, ‘yung condo ko, ‘yung kotse ko ako ang nagbabayad. At saka alam ng manager ko ‘yan,” mabilis niyang sagot.
“Sana may bodyguard ako ngayon kung may karelasyon akong politician,” dagdag pa niya.
“Hindi wala, wala. Siguro kung totoo ‘yun, hindi na ako magtatrabaho. Hindi na ako magre-renew ng kontrata para magpuyat akong magtrabaho,” sey pa ni Kim.
Samantala, gustong pasalamatan ng PMPC ang lahat ng mga sumuporta, tumulong, at nanood ng Bhoy Intsik sa Fisher Mall lalo na ang Frontrow Entertainment Productions, kay Raymond Francisco, Dr. Ramon Arnold Ramos, BeauteDerm, Atty. Jocelyn & Councilor Jaja Castaneda. Mabuhay po kayo.
Upsurge concert ni Alden, pinilahan kahit malakas ang ulan
Successful ang Upsurge concert ni Alden Richards noong Saturday night sa Kia Theatre. Punompuno.
Kahit malakas ang ulan ay grabe ang pila sa labas na pumapasok sa loob ng Kia. Talagang sold out ang tickets.
Naging emosyonal din ang Pambansang Bae dahil nanghihinayang siya na almost 10 years nang wala ang nanay niya. Hindi nakikita ng ina ‘yung naging achievement niya. Malungkot na wala na ‘yung taong pag-aalayan niya. Medyo masakit lang na hindi naabutan ng mother niya ang tagumpay niya sa showbiz.
TALBOG – Roldan Castro