Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Opening ng negosyo ni Kathryn, dinaig pa ang premiere night

BAGAMAT last minute ang announcement ng opening noong Friday ng KathNails sa 5th level ng SM Block, dinumog ng mga tao.

Ang KathNails ay negosyo ni Kathryn Bernardo para sa pampering time. Puwede roon ang magpa-manicure, pedicure, foot spa, legspa, waxing, nail art, threading ng kilay, eyelashes enhancement, waxing, massage, therapeutic service atbp..

Nag-cut ng ribbon sa grand opening si Ms. Malou Santos at si Daniel Padilla. Kasama rin dapat si Direk Olive Lamasan pero may workshop  ito sa Rockwell.

Dumalo rin ang pamilya ni Kath, mga kaibigan, head executive ng SM at ibang taga-Star Cinema. Namataan din sina Kristel Fulgar, Robi Domingo, Khalil Ramos, Pamu Pamorada, Marian Flores, Katrina Guytingco atbp..

Nagsilbing host si DJ Jaiho na buong ningning niyang sinabi na sa lahat ng hosting niya, ang opening ang pinakabongga. Dinaig pa ang attendance ng ilang premiere night ng pelikula.

Samantala, abala na sina Kathryn at Daniel sa bago nilang seryeng La Luna Sangre na sequel ng seryeng Imortal na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz atAngel Loscin.

Bongga ang seryeng ito dahil hindi lang pala sina Lloydie at Angel ang may special participation kundi pati na rin si Richard Gutierrez.

Masaya ang KathNiel na mapapanood  sa mga unang episode ang tatlong malalaking artistang nabanggit kaya grabe ang pasasalamat nila.

Hindi pinagdamutan nina Angel at Lloydie na i-share ang sequel ng  Imortal sa KathNiel kaya tinatanaw nila itong malaking bagay.

“Sila talaga ang may karapatan sa project na ito kasi sa kanila ito, eh! kaya salamat,” sambit ni Kath sa isang panayam

“Maraming-maraming salamat na binigyan nila ng oras ang ‘La Luna Sangre’ para sa amin, para kay Direk Cathy na rin at sa buong team ng ‘La Luna’,”dagdag naman ni DJ.

Luis, ikinompara ang mukha ni Alex sa nabubulok na ingrown

DEADMA ang Home Sweetie Home star na si Toni Gonzaga sa asaran at alaskahan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga sa social media.

Sanay na siya sa ugali at biruan ng dalawa kahit ikompara pa ni Luis sa nabubulok na ingrown ang face ni Alex.

Hindi na bago sa kanya ang lokohan ng dalawa lalo’t pasimple rin ang pagmumurang ganti ni Alex kay Luis.

Cuerva, game sa hubaran

WALANG arte sa hubaran ang baguhang actor na si Gil Cuerva. Okey lang sa kanya kung sakaling may offer na kinakailangan ng nudity.

Bilang isang model, walang malisya sa kanya. Si Gil ang leading man ngayon ng Ultimate star na si Jennylyn Mercado para sa My Love From The Star.

Kahit frontal nudity hindi niya uurungan.

“Basta my PhotoShopped na smiley na nakaano ( natatakpan ang maselang parte ng kanyang katawan),” nakangiti niyang sagot.

Paano kung magustuhan siya ng isang gay at alukin ng kotse, bahay, at malakinghalaga?

“Well, siyempre ide-deny ko . I’ll say no. Pero I would really take it against that person. Sasabihin ko lang na, ‘Sorry, hindi ako bakla. I’m not into that.’ But it doesn’t mean na magiging homophobe ako, ganoon. Siyempre, ang dami kong kaibigang bakla. Really, ang dami kong friends na gay,” pakli ng binata.

Aminado si Gil na exposed siya sa  mga bading sa modelling world. Ito  ang nagturo sa kanya na maging friendly at open sa LGBT community.

“You rarely encounter a straight guy sa modeling. I’m one of the very few. So, I broaden my horizon being exposed to gay people, to more bekis, ganoon ako. Slowly natutuhan ko ‘yung mga beki language echos, charot, ‘yung mga ganoon,”pakli pa ni Gil.

TALBOG Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …