Sunday , December 22 2024

Nakababahalang pagkakoryente

 

NAKABABAHALA talaga na ang isa sa palusot na ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao ay koryenteng balita.

Sa isang pulong balitaan matapos dumating mula sa Rusya, ikinuwento ni Duterte na pinugutan umano ng ulo ng mga miyembro ng kriminal na grupong Maute at Abu Sayyaf si Romeo Enriquez, ang hepe ng pulisya ng bayan ng Ma-labang sa lalawigan ng Lanao. Ito ang isa sa mga ginamit niyang paliwanag kung bakit niya dagliang idineklara ang batas militar sa Minda-nao.

Gayonman ay napag-alaman ng mga mamamahayag na koryente ang kuwento ng Pangulo dahil buhay na buhay si Enriquez at nagbigay ng pahayag sa media na hindi niya alam kung saan nanggaling ang balita.

Idinagdag niya na maaaring napagkamalan lamang siya ng Pangulo dahil ang dating hepe ng pulisya ng Malabang ay napatay nitong Martes nang pasukin ng Maute ang kalapit na Lungsod ng Marawi.

Mantakin na lamang na pekeng balita ang isa sa naging batayan ng pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao.

Ano ngayon ang kasiguradohan natin na ang iba pang pasya ng Pangulo ay hindi bunga ng maling impormasyon o koryenteng balita?

Lahat tayo ay nakokoryente paminsan-minsan pero ang pagkakoryenteng ‘yan ay hindi panganib o umeepekto sa bayan. ‘Yun ang dahilan kaya nakababahala kung ang Pangulo ang nakokoryente. Ang mga pasya niya ay may epekto sa buong bayan. Sino ngayon ang makapagsasabi na walang alinlangan na tama ang mga batayan na ginamit para ideklara ang batas militar?

Iyan ang hirap sa mga padalos-dalos kung kumilos, pag natinik malalim.

* * *

Sinibak ni Duterte ang hepe ng Dangerous Drugs Board na si Benjamin Reyes dahil iba ang bilang na ginamit sa pagtataya kung gaano karami ang sinasabing nalululong sa bawal na gamot sa bansa.

Sabi ni Reyes, batay sa kanilang datos na nakalap noong 2015, umaabot lamang sa 1.8 milyon ang tinatayang gumagamit ng ilegal na droga sa bansa. Ito ay malayo sa apat na mil-yon na laging sinasabi ng Pangulo batay naman sa datos na ibinigay sa kanya ni dating Philippine Drug Enforcement Agency Director General Dionisio Santiago. Si Santiago ay hepe ng PDEA noong 2006-2011.

Dahil sa pasgkakasibak ni Reyes sa puwesto ay tiyak na mawawala na ang iba’t ibang mga tinig sa pamahalaan at ang matitira na lamang ay mga alingawngaw o echo ng Pangulo.

* * *

Mahigit 600 kilo ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang bodega sa Lungsod ng Valenzuela sa tulong ng pamahalaang Tsino. Para sa karagdagang detalye ay pas-yalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *