Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DDB chairman Benjie Reyes nadale sa datos na malisyoso?

MARAMI ang nagtataka kung bakit agad-agad ay sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang itinalaga niyang tagapangulo ng Dangerous Drugs Board (DDB) noong Agosto 2016.

Komo hindi lang daw nagtugma ang datos na sa Filipinas ay mayroong 4 milyong lulong sa droga habang kay (ex — ‘yes you’re an X now Mr. Former DDB Chairman) Benjie Reyes ay 1.8 lang umano.

Medyo iba ang pakiramdam ng pangulo sa malaking pagkakaiba ng nasabing datos.

Sabi niya, “I would like to put to task publicly this Reyes.”

“’Yan agad ang sinabi ng Pangulo nang dumating sa Maynila mula sa kanyang pagbisita sa Russia.

“Here comes a chairman, you’re fired today get out of the service. You do not contradict your own government!”

‘Yun lang, sibak siya agad.

In fairness, mukhang wala namang plano si Reyes na banggain ang gobyerno ni Pangulong Duterte. Nagkataon na mali raw ang datos na isinubo sa kanya ng kanyang mga alalay.

092116-ddb-benjamin-reyes

Pero ang higit na ikinadesmaya ng Pangulo, imbes mag-sorry kung talagang in good faith siya sa kanyang maling datos ay nangatuwiran pa.

Valid naman umano ang discrepancies dahil magkakaiba naman ang basehan.

At para umano maging ‘absoluto’ ang bilang ay kailangan magsagawa ng consensus.

Pero dahil walang consensus, ang mga pagtataya gaya ng ginagawa sa mga survey at intelligence figures, ay masasabing makatutulong para maging malapit sa katotohanan.

Wattafak!?

Kaya hayun, natuluyan ang kanyang pagbabakasyon.

Tsk tsk tsk…

Ngayong kailangan muling magtalaga ni Pangulong Digong ng bagong DDB chairman, palagay natin ‘e subukan na rin niyang magtalaga ng mga taong may alam at karanasan talaga sa trabaho ng isang DDB man.

Kasi nga naman, saan ibabase ng DDB ang kanilang ilalabas na patakaran kaugnay sa giyera ng Pangulo laban sa ilegal na droga kung sa datos pa lang ay hindi sila nagkakaisa?!

E ‘di lalabas na mali ang estratehiya ng Pangulo kung paano ‘wawalisin’ ang mga prehuwisyong lulong at tulak ng droga?

Kaya, unsolicited advice natin kay Mr. Reyes, careful-careful…

Better luck next time, Mr. Reyes.

P6 BILYONG SHABU SA VALE
WAREHOUSE NASAKOTE SA HUSAY
AT GALING NG CUSTOMS INTEL

052917 Shabu P6-B PDEA Customs
IPINAKIKITA sa mga mamamahayag ng mga opisyal ng Phi-lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang 604 kilo ng shabu, P6 bilyon ang halaga, makaraan makompiska sa De Castro Subdivision, Paso de Blas, at Brgy. Ugong, Valenzuela City, kamakailan. (RAMON ESTABAYA)

ANIM na bilyon…

Mahirap lang pong paniwalaan pero ‘yang P6-B shabu na nasakote ng Bureau of Customs (BoC), hindi po tsamba ‘yan.

Talagang trinabaho po ng BoC CIIS sa pangunguna ng kanilang hepe na si Director Neil Estrella at ID chief Joel Pinawin ang isang shipment na matagal na nilang tinutugaygayan hanggang mai-swak nila sa ‘control delivery.’

Ang ibig pong sabihin nito, hinayaan lang muna nilang magtagumpay ang transaksiyon bago nila isinakote.

Kagulat-gulat at talagang mapapa-HA! ang sinomang nakakita sa sa nasakoteng shabu.

Mantakin ninyo kung lumarga sa merkado ‘yang P6 bilyong shabu?!

Ilang buhay na naman ang sisirain ng ilegal na droga na ‘yan?!

Kaya naman, nakatutuwa talaga ang trabahong ito ng BoC CIIS.

Kudos, BoC CIIS chief, Neil Estrella at sa iyong mga tauhan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *