ISANG napakalaking dagok sa turismo ng buong bansa ang dinudulot ng kaguluhan sa Marawi City dala ng Maute group kasabay pa nito ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ang Department of Foreign Affairs na mismo ang naglabas ng advisory para sa mga turistang nagbabalak magbakasyon at mamasyal sa bansa partikular na sa Timog Kanlurang Mindanao at Sulu Archipelago.
Isang pangunahing dahilan ng travel advisory ang malaking banta ng terorismo hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa dahil sa mga posibleng pag-atake ng mga terorista gaya ng Maute group na hanggang sa kasalukuyan ay naghahasik pa rin ng lagim sa lungsod ng Marawi.
Ipinag-aalala ng DFA ang posibilidad na ibaling ng mga terorista sa mga banyaga ang paghahasik ng kaguluhan at maaring maging biktima sila ng kidnapping at patayan.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com