Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lalaki patay sa BFF na babae sa loob ng taxi (Dahil sa koleksiyon sa pautang)

PATAY si Nelson Calinisan makaraan barilin sa loob ng taxi ni Lilibeth Bacus habang nagtatalo hinggil sa kolek-siyon ng pautang sa kanto ng E. Rodriguez Avenue at New York St., Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
PATAY si Nelson Calinisan makaraan barilin sa loob ng taxi ni Lilibeth Bacus habang nagtatalo hinggil sa kolek-siyon ng pautang sa kanto ng E. Rodriguez Avenue at New York St., Brgy. Immaculate Concepcion, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang isang lalaki makaraan barilin ng kaibigang babae sa loob ng taxi nang magtalo sa koleksiyon ng pautang sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10 chief, Supt. Pedro Sanchez, kinilala ang biktimang si Nelson Cali-nisan.

Habang naaresto ang suspek na si Lilibeth Bacus, 45, ng Mary Homes Subd., Phase 1, Block 9,  Lot 14, Molino, Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon, dakong 9:00 am nang maganap ang pamamaril sa loob ng taxi sa kanto ng E. Rodriguez Avenue at New York St., Brgy. Immaculate, Quezon City.

Nauna rito, sumakay ang dalawa sa taksing ipinapasada ni Walter Sabaria sa Megamall sa Mandaluyong dakong 6:00 am at nagpahatid sa Landbank sa SM Cainta.

Si Calinisan ay umupo sa passenger’s seat sa harapan habang ang babae ay sa likuran. Habang papuntang Cainta, nagtalo ang dalawa hinggil sa koleksiyon sa pautang.

Pagdating sa isang u-turn slot sa Cainta, mula sa likuran ay binaril ni Bacus si Calinisan.

Makaraan, tinutukan ni Bacus ng baril si Sabaria at inutusang ihatid siya sa Cubao.

Dakong 9:00 am, pagdating sa kanto ng E. Rodriguez Avenue at New York St., Cubao, tumalon mula sa taxi si Sabaria at bumangga ang kanyang taxi sa nakaparadang  SUV.

Mabilis na lumabas sa taxi si Bacus at sumakay uli ng isang taksi sa pagtakas.

Nasaksihan ng ilan nagpapatrolyang bantay-bayan ang insidente kaya hinabol ang taxi at ina-resto si Bacus habang hindi umabot nang buhay sa pagamutan si Calinisan. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …