Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, puring-puri ni RS Francisco

NAGSESELOS ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil inuna ni Raymond ‘RS’ Francisco sina James Reid at Nadine Lustre na iproduce kaysa kanilang idolo. Kilala kasing maka-KathNiel si Raymond at huling nakasama niya ito sa pelikulang Can’t Help Falling In Love. Nagsimula rin niyang makasama sina DJ at Kath sa Princess and I.

“Ipo-prodyus ko rin sila sa Dubai. Nagtanong ako sa mga FrontRow kung paano kung may KathNiel, grabe ang sigawan. So, ‘yung reception ng JaDine, pantay na pantay sa KathNiel,” bulalas niya nang makakuwentuhan namin siya meeting  para sa special celebrity screening ng PMPC sa Sunday, May 28 ng pelikula niyang Bhoy Intsik. Gaganapin ito sa Fishermall Cinema, 4:00 p.m. at 6:00 p.m..

Anyway, puring-puri ng producer-actor, commercial director, at president ng FrontRow na si RS ang JaDine. Hindi sumakit ang ulo niya. Walang attitude na ipinakita ang magka-love team nang iprodyus niya ng concert sa Dubai kamakailan. Hindi naman na-experience ng production niya ‘yung kumakalat na tsismis na pasaway ang JaDine sa kanilang US Tour concert.

Hindi pa niya nakakasama ang JaDine sa mga serye o pelikula pero naalaala ni Nadine na naidirehe na siya ni RS sa commercial noong bata pa ito. Si James naman ay bahagi ng FrontRow family.

Samantala, ano ang pagbabago kay RS after na maging Best Actor sa  Bhoy Intsik sa Sinag Maynila 2017 Film Festival?

“Wala. Magbabago lang ako kapag nanalo na akong Best Actress,” pakli niya na very humble.

Bakit kailangang panoorin ang Bhoy Intsik sa May 28 sa Fishermall Cinema?

“Ang ‘Bhoy Intsik’ presents a different angle on the LGBT. It’s an LGBT movie but it’s totally different. Ibang angle. Hindi siya ‘yung tipikal. In fact, even ‘yung mga friend ko sa Dubai na nakapanood..kasi ipinanood ko sa kanila, sabi nila, alam mo RS sa part na ito, akala ko ganito ang mangyayarti, ‘yun pala hindi. Sa eksenang ito, akala ko ito ang gagawin mo, ‘yun pala hindi. So, ‘yung mga pine-predict nila, hindi nangyayari. It’s a very unpredictable movie. So, I want people to see… I want non-LGBT people to see kung ano rin ang puwedeng i-present ng LGBT film na hindi necessarily sex, relasyon, away. Maganda talaga ‘yung message niya. Hindi dahil nandoon ako, ha! Kahit siguro si Eric Quizon ‘yan o si Coco Martin o si Piolo Pascual ang Bhoy Intsik kung mapanood ko at ganoon ang istorya, sasabihin ko ,ay iba nga sa ini-expect ko na kangkangan na tapos ganito. Maganda talaga. Suwerte ko na sa akin napunta,” deklara niya.

Ang Bhoy Intsik ay prodyus ng Frontrow Entertainment at sa direksiyon ng award-winning director na si Joel Lamangan. Pinarangalan ang pelikula ng Box Office Award for being the most blockbuster film among the Sinag Maynila entries at nakakuha rin ito ng numerous nominations in various categories.

Bukod kay Raymond, tampok din sina Ronwaldo Martin, Jeric Raval, Tony Mabesa, Jim Pebanco, Shyr Valdez, Elora Espano, Liz Alindogan, Mon Confiado, Mike Lloren, Alvin Fortuna, Ahwel Paz, at Dennis Coronel.

Ang tiket ay P250 para sa 4:00 p.m. screening at P500 ang 6:00 p.m. Celebrity Screening.

Proceeds will go to charity and medical assistance of PMPC members.

Don’t miss the chance to catch this masterpiece once again, while making a difference!

For tickets inquiry, please call or text 09053595091.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …