Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derrick, nahirapang mag-aral ng arnis

KASAMA si Derrick Monasterio sa sequel ng Mulawin, ang Mulawin vs Ravena na gumaganap siya rito bilang si Almiro na anak nina Alwina at Aguiluz.

Ayon kay Derrick, pinaghandaan niya ang kanyang role sa fantaserye. Nagbawas siya ng timbang para maging madali ang kaniyang paglipad gamit ang harness. Pero hindi naman siya nahihirapan sa paglipad, mas nahirapan siya sa arnis training para sa fight scenes.

“Harness hindi masyado, mas mahirap ‘yung arnis para sa akin. Kasi it involves fighting eh, ano pa naman ako, I’ve never fought anyone in my life like fist fight, wala,” sabi ni Derrick.

Sobrang thankful si Derrick sa GMA 7 dahil kinuha siya sa naturang fantaserye. Noong bata pa lang kasi siya ay pinanonood niya ito, hindi  niya akalain na sa muling pagbabalik sa telebisyon ay magiging bahagi  siya.

“I’m happy sobra, kasi pinanonood ko siya noong bata ako. I even sang their theme song in my voice competition sa school. So, talagang it’s a big part of my life and I’m really blessed lang talaga.”

Kung sa natapos na serye ni Derrick na  Tsuperhero  ay marami siyang stunts, mas marami siyang gagawing stunts rito sa fantaseryeng ito.

“Sabi ng director namin hindi siya magpapa-double, so kailangan namin mag-aral talaga!”

MA AT PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …