Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Issues sa e-passport naresolba ba sa pulong ng APO kay ES Salvador “Bingbong” Medialdea?

NABASA natin ang isang paid advertisement sa isang pahayagan nitong nakaraang linggo na ipinagyayabang na tapos na raw ang mga isyu sa e-passport.

Natapos daw ito nang makipagpulong sila kay Executive Secretary Salvador “Bingbong” Medialdea na dinaluhan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Asian Productivity Office (APO), Presidential Communications Office (PCO) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa advertisement, napagkaisahan umano sa nasabing pulong na ang babayaran ng DFA sa bawat e-passport ay P832.

Ang tanong: Ganoon din ba ang sisingilin nila sa bawat applicants? Ilang sentimo lang ang ibinaba nito sa P900-P1,200 kasalukuyang singil.

Ibig sabihin puwede pang tumaas dito ang singil ng DFA?

Ang isyu sa protection and privacy of data, nanatili umano ito sa pangangalaga ng DFA. Mahigpit din umano silang sumusunod sa Data Privacy Act na mayroong karampatang parusa kapag sila ay lumabag.

052317 Medialdea money passport

Naresolba na rin umano ang delay sa issuance ng e-passport, pero hindi naman naipaliwanag kung paano ito naresolba.

Mas mabilis na ba ang pagkuha ng schedule/appointment sa passport application?

At lalong hindi nabigyan ng eksaktong paliwanag kung paano matitiyak na hindi na made-delay ang issuance ng passport.

At higit sa lahat, hindi natin maintindihan dahil hindi naiklaro, ‘yung isyu sa sub-contract ng APO sa United Graphic Expression Corp. (UGEC).

Hindi umano totoo ‘yung isyu ng sub-contract. Pinaninindigan nila na ito ay joint venture sa isang public company na ang layunin ay iangat ang kapasidad ng APO LiMa (Lipa Malvar) Plant.

Nanatili umano ang kontrata ng DFA sa APO bilang isang recognized government printing (RGP).

Ang APO LiMa Plant ay printing plant na nasa loob ng Batangas (LiMa) Economic Zone. Ibig sabihin, wala itong binabayarang buwis sa pamahalaan.

Pero ang ipinagtataka natin dito, bakit hindi binanggit sa kanilang ads ang UGEC — ang tinutukoy nilang ka-joint venture nila.

Nagtataka rin tayo kung paanong naresolba ang mga isyu gayong hindi naman nasagot ng APO  ang mga isyung ibinabato sa kanila noong una pa man?

Bakit sa UGEC sila nakipag-joint venture?!

Kung sinasabi nilang hindi na maibabalik sa BSP ang project dahil wala silang kakayahan sa mabilisang pag-iimprenta ng laksa-laksang e-passport, e bakit ang APO-UGEC mula nang mapunta sa kanila ‘yan ay nagka-delay-delay na ang issuance ng passport?

Ano ba ang mayroon sa UGEC bakit hindi mailantad ng APO ang kanilang ka-joint venture?!

Ang huling tanong, nagsabi ba sila nang totoo kay ES Medialdea o binulag nila kaya napapayag nila sa kanilang mga pinagsasasabi?!

ES Medialdea Sir, paki-check lang po ulit ang joint venture dahil mukhang mayroong ‘malalabong’ aspekto na hindi kapaki-pakinabang sa gobyerno at higit sa lahat naagrabyado ang sambayanang Filipino lalo ang overseas Filipino workers (OFWs).

Isa lang po ang klaro, hindi pa po resolbado ang mga isyu!

Napalusutan si Gen. Coronel
at Gen. Albayalde
AWOL MPD COP BAGMAN
SA DALAWANG PRESINTO?!

080416 police bagman money

Nakatanggap na naman tayo ng mga impormasyon mula sa ilang matinong pulis-Maynila na ito palang sikat na bagman ng MPD na si alias Sarhentong BOY BU-WONG ay hindi lang isang presinto ang hawak kundi dalawa pa ngayon?!

Hawak raw nito ang lahat ng ‘parating’ sa PS3 at PS2!

Sonabagan!!!

Bilib naman ako talaga sa kapalmuks na pulis na ‘yan. Mantakin n’yo, siya lang ang pulis-MPD na ipinatapon sa Basilan ang napalusutan si NCRPO Chief Gen. Oscar Albayalde.

Nagsakit-sakitan at sabay AWOL pero sa lakas maghatag sa mga bossing ay balik na naman sa pangongolektong sa Maynila!

Hayop ka talaga Bu-Wong!

FYI MPD DD Gen. Joel Coronel, sa dami ng perang pumapasok ngayon kay Sarhentong Boy Bu-Wong ay madalas siyang makita ngayon na naka-check-in pa sa Manila Grand Opera hotel at pakasi-casino lang tuwing gabi?!

Ito pa ang mabigat Sir Jigz, ipinagyayabang ng hinayupak na may right-konek raw siya kay Tatay Digong kaya hindi siya masibak-sibak sa MPD?!

Anak ng Kotong!!!

Ganyan ba talaga katindi ‘yan, Gen. Oscar Albayalde?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *