Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Solid waste management sa Boracay tinututukan ni DENR Sec. Roy Cimatu

ISA ito sa magandang balita na nabasa natin nitong nakaraang linggo.

Natutuwa tayo na sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na pangunahin niyang tututukan ang tubig at waste management sa isa sa ating isla na paboritong puntahan ng mga kababayan natin at mga turistang dayuhan — ang Boracay.

Yes Secretary Cimatu!

‘Yang dalawang bagay na ‘yan ay mahalaga hindi lang sa mga taga-Boracay kundi sa buong bansa.

Pero dahil ang Boracay ay nasa tukso ng kapabayaan at laging nasa panganib na masalaula ang kapaligiran kaya isa ito sa mga prayoridad ng bagong Kalihim.

Ngunit may isa pa po kayong dapat usisain, Secretary Cimatu, ang hindi mapigilang pagdami at hindi na mabilang na konstruksiyon ng mga estruktura sa buong isla.

At hindi lang po mga simpleng estruktura, malalaki at matataas na estruktura na gagawing condo/hotel at resort spa.

Lahat ng mga nagpapagawa o nagpapatayo ng estruktura sa 1,032-ektaryang isla ay sinasabing ginagawa nila ito sa ligtas na paraan.

‘Yun bang tipong hindi umano makapamiminsala sa isla at sa mamamayan?!

Wattafak!?

Pero matay man nating isipin, nanatili pa rin ang tanong sa ating isipan — paanong hindi makapamiminsala sa kapaligiran ang walang habas na pagtatayo ng iba’t ibang estruktura sa isla ng Boracay kung para nang kabute na walang tigil sa pagsulpot?

Isa sa nakikita natin na importanteng hakbang sa paglilinis ng Boracay ay moratorium o i-regulate ang pagtatayo ng iba’t ibang commercial structure lalo na kung walang malinaw na plano ang isang establishment kung paano sila magdi-dispose ng kanilang mga basura?

At ikalawa, paano sila makatutulong na manatiling malinis ang dalampasigan at karagatan sa nasabing isla.

Alam nating madali lang itong sabihin, pero alam din naman natin na kung magkakaroon ng malinaw na regulasyon at magiging mahigpit sa pagpapatupad ng batas pangkalikasan hindi masasalaula ang kapaligiran.

Sabi nga, very basic ang pangangalaga sa kapaligiran, huwag nang gawaing komplikado para hindi mahirapan…

‘Yun lang po, Secretary Cimatu.

CONGRATULATIONS
GEN. DANILO LIM!

052217 MMDA Danny Lim

Una, nais natin batiin si Gen. Danilo Lim bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang MMDA ay inaasahang magpapatino ng trapiko sa Metro Manila.

Wala tayong kuwestiyon sa kakayahan at integridad ni Gen. Danny Lim.

Hindi ba’t nag-resign siya sa Customs sa nakaraang PNoy administration upang patunayan na wala siyang ano mang interes sa panunungkulan niya sa nasabing ahensiya kundi ang makatulong sa pamahalaan?

Hindi siya ‘yung tipong kumakapit at naghahabol ng puwesto.

Kung tapang at pagiging buo ng loob, kailangan pa bang itanong ‘yan?!

Kaya, ngayong siya na ang bagong chairman ng MMDA, marami ang naniniwala pagtutuunan niya ng pansin kung paano patitinuin ang trapiko sa Metro Manila.

At isa sa mga dapat unahin ni Gen. Danny Lim ang paglilinis sa mga ilegal na terminal gaya ng namamayagpag diyan sa Lawton o Liwasang Bonifacio.

Mga kolorum na van at mga siga na ginagawang parking area ang mga kalsadang ipinagawa ng gobyerno.

Dapat nilang maintindihan ipinagawa ‘yan para daanan ng sasakyan, hindi paradahan.

Panahon na talaga para pag-isipan ng MMDA na mag-operate ng collapsible na parking area, para kumita naman ang pamahalaan.

Hindi ‘yung tipong may pambili ng sasakyan pero walang kakayahang umupa ng paradahan.

Ilan lang po ‘yan sa mga puwedeng makatulong para gumaan o lumuwag ag trapiko sa Metro Manila.

Pero ibigay natin ang kalayaan kay Gen. Lim kung ano ang kanyang unang gagawin, pag-upong-upo niya sa MMDA.

Again, congratulations MMDA Chairman Danny Lim!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *