GANYAN daw talaga kapag mababaw, maingay.
Ang tinutukoy natin ay mga politiko, personalidad, celebrity na mahilig mag-wangwang.
Bagamat sa simula ng pag-upo ni Noynoy ay sinaway ang paggamit nito at ginamit pa sa kanyang inaugural speech, hindi naman namantina sa buong termino niya na ipagbawal ito.
Pagkatapos ng tatlong taon, sandamakmak na naman ang nakita nating gumagamit nito at panay ang wangwang sa kalye.
Pero ang higit na nakadedesmaya, ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay lalo itong naging talamak.

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com