Sunday , December 22 2024

Turkey at Mongolia hindi puwedeng sumali (Charter ng ASEAN hangga’t hindi binabago)

 

HINDI natin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na isponsoran ang membership ng Turkey at Mongolia sa Association of Southeast Asian Nations of ASEAN kaya nagmukhang hindi niya alam ang kanyang ginawa matapos siyang tanungin ng lider ng Burma na si Aung San Suu Kyi kung ikinonsidera niya ang heograpiya ng mga nasabing bansa.

Dangan kasi ang Turkey ay nasa tungki ng Europa at Asia Minor na malapit sa middle east samantala ang Mongolia naman ay nasa hilaga at sentral Asya sa pagitan ng Rusya at Tsina. Napakalayo ng dalawang bansang ito sa Southeast Asia o Timog Silangang Asya.

Ang ASEAN ay samahang pang-rehiyon ng mga bansa na nasa Southeast Asia o Timog Silangang Asya. Pansinin na ang 10 miyembro nito ay mga magkatabing mga bansa – Filipinas, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, Si-ngapore, at Brunei.

Ito rin ang dahilan kaya walang nangyari o nag-isponsor sa Sri Lanka noong dekada 80 matapos magpahayag na ibig nitong sumali sa ASEAN. Ang Sri Lanka ay nasa South Asia o Timog Asya malapit sa timog silangang bahagi ng India.

Ewan ko kung alam ni Duterte na hindi komo siya ngayon ang lider ng ASEAN bilang rotating president ay puwede niyang gawin ang gusto niyang gawin tulad ng ginagawa niya ngayon sa mga amuyong niya sa pamahalaan. Hindi niya amuyong ang mga lider ng ASEAN kahit ba parang “superstar ang dating niya” sa kanila dahil sa kanyang madugong digmaan laban sa bawal na gamot.

Nakausap ni Duterte ang mga pangulo ng Turkey at Mongolia sa isang pulong sa Beijing, China kaugnay ng One Belt, One Road economic integration ng Asya, Gitnang Silangang, Afrika at Europa.

* * *

Matapos mabasa ng inyong lingkod ang tungkol sa pangyayari na tinalakay natin ay hindi po tayo makapaniwala at inakala nating fake news o pekeng balita ito pero lumalabas na totoo ngang sinabi ni Duterte na iisponsoran niya ang Turkey (at Mongolia) para makasali sa ASEAN.

Naisip ko tuloy na baka may lihim na galit si Turkish President Recep Tayyip Erdogan at si Mongolian Chief Executive Tsakhiagiin Elbegdorj kay Duterte kaya nila ipinanukala na maging miyembro ang kanilang mga bansa ng ASEAN dahil alam naman nilang hindi puwede ang kanilang gusto at tiyak na mapahihiya lamang ang ating pangulo.

* * *

Binabati ko si Rev. Isaias Ginson sa kanyang kaarawan bukas araw ng Sabado. Si Kuyang Isaias na kapatid ko sa Masoneriya ay isa sa aking mga spiritual advisers na nagbunsod sa akin upang maging kleriko. Mabuhay ka Kuyang at ang iyong pamilya…muli maligayang kaarawan.

* * *

Maluwag na raw ang trapiko sa Baclaran dahil naalis na ang mga vendor na naghalang sa mga daanan doon. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *