Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Rhea Gregorio Mahusay na Customs Collector

ISA sa magagaling na batang Customs District Collector ay si Atty. Rhea Gregorio.

Napakaraming nagsasabi sa Aduana na napakagaling niyang mamuno at maituturing na asset ng gobyerno dahil sa sipag, galing at talino.

Kung performance lang ang pag-uusapan, marami na siyang magandang record simula noong pumasok sa Bureau of Customs.

Dahil bukod sa matalino ay talagang serbisyo publiko ang ipinapatupad niya. Kaya naman, marami ang rumerespeto sa kanya. Ang mandato niya ay matulungang pataasin ang koleksiyon ng buong Bureau of Customs.

Kamakailan lang ay nagsagawa siya ng image building campaign sa Port of Manila na ang hangad ay lalong mapabuti ang imahe ng BOC sa buong bansa.

Suportado niya ang mga programa ni BOC Comm. Nick Faeldon kaya naman todo trabaho sila sa pagkolekta ng buwis sa gobyerno.

Maayos ang takbo sa Port of Manila na kanyang pinamumunuan kaya naabot nila ang kanilang target sa kolaksiyon.

Tulong-tulong ang kanyang mga tauhan na sina FED chief Oca Villalba, Jess Llorando at lahat ng Appraisers at Examiners at Deputy Collectors gaya ni Coll. Mel Pascual, Atty. Rolando Tacub at Atty. Ernelito Aquino para makolekta ang tamang buwis sa lahat ng kargamentong pumapasok sa bansa.

Mabuhay ka Atty. Rhea at ang buong Port of Manila!

God bless us all!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …