Friday , November 15 2024

Walang pagbabago sa mga pulpolitiko

SA kabila ng sigaw ng mga pulpolitiko na ang hatid nila ay pagbabago sa ating buhay at sistemang politikal ay malinaw na walang pagbabago sa kanilang mga asal bilang mga tradisyonal at pulpol na lider ng bayan.

Isang halimbawa nito ang patuloy na walang kahihiyang paglipat ng ilang mga miyembro ng Liberal Party at iba pang partido sa kasalukuyang mayoryang partido sa kongreso na Partido Demokratiko Plipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga ganitong pulpolitiko ay tinatawag na political butterfly o political opportunist. Mga taong walang prinsipyo na handang idahilan ang lahat, ultimo kanilang nasasakupan, mapagtakpan lamang ang kanilang pagiging oportunista at takot na mawalan ng poder at pribilehiyo sa kongreso.

Nakasusuka ang ugali at pagmumukha ng mga taong ganyan.

* * *

Naging ugali na nating mga Filipino ang sumandal sa affirmation o pagkilala ng dayuhan, lalo na kung ito ay puti, para masabing lehitimo ang ating mga hinaing.

Ang paghahanap mula sa mga dayuhan ng affirmation o pagkilala sa ating mga causa, sa palagay ng Usaping Bayan, ang dahilan kaya tuwang-tuwa ang maraming aktibista sa umano ay pagkakalat ni Senador Peter Alan Cayetano sa pulong kamakailan ng United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.

Ayon sa mga nagbubunying aktibista, sinupalpal si Cayetano ng lahat ng miyembro ng UNHRC, maliban sa bansang Tsina na sumuporta sa atin, dahil hindi nila pinakinggan ang paliwanag ng senador, bagkus ay nanawagan ang kapulungan na dapat nang tigilan ng administrasyong Duterte ang malawakang pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga.

Sang-ayon ang Usaping Bayan na mahalaga ang buhay at dapat itong igalang pero hindi nakatutuwa na parang lugod na lugod ang mga aktibista, hindi dahil tama ang desisyon ng UNHRC kundi dahil binigyan ng affirmation ng mga dayuhan ang kanilang makatarungang causa. Malinaw na malakas pa rin ang colonial mentality kahit sa mga sinasabing beteranong aktibista.

Ang totoo niyan, hindi natin kailangan ang UNHRC para ipaglaban ang ating mga karapatan. Kung ibig nilang tumulong sige salamat, pero hindi tayo dapat mangayupapa para sa kanilang pagkilala sa ating causa.

Kung tutuusin silang mga dayuhan ang puno’t dulo ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan sa ngayon.

* * *

Binabati ng Usaping Bayan ang mga miyembro at opisyal ng bagong tatag na Quezon City Journalists Group sa pangunguna ng batikang mamamahayag na si Angie Dela Cruz. Harinawa ay maging matagumpay ang grupo sa mga layunin nito. Mabuhay kayo…

* * *

Si Senador Peter Alan Cayetano na ang bagong Foreign Affairs Secretary, kapalit ni dating Sec. Perfecto Yasay. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *