ASec Mocha Uson, now is your time to shine!
Jerry Yap
May 12, 2017
Bulabugin
Rice cartel lagot kay Sec. Manny Piñol
ANG entertainer at performer na si Ms. Mocha Uson ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang Assistant Secretary (ASec) sa Presidential Communications and Operations Office (PCOO).
Itinalaga si Mocha bilang Assistant Secretary for Social Media para umano labanan ang mga naglalabasang pekeng balita.
As usual, inulan na naman ng pagbatikos at pagtutol ng netizens ang appointment ni Tatay Digong kay Mocha.
Kinuwestiyon ang kanyang moralidad, pagkatao at kuwalipikasyon kung nararapat ba siya sa nasabing posisyon.
Hanggang ngayon ay tila batik sa personalidad ni Mocha ang tipo ng entertainment at performance na siya ay nakilala.
Tinatawag nga siyang bold starlet noong araw. Kayang-kayang mag-live show sa pamamagitan ng mga sexy act. Mahusay ang performance, ‘ika nga, kaya nga naging paborito siya at ang grupo nila lalo ng mga mahihilig sa ganoong palabas.
Noong araw, sa National Press Club madalas namin siyang maimbitahan at nakikitang nagpe-perform si Ms. Mocha pero ngayon sa Malacañang na.
At ang kanyang bossing, si PCOO Secretary Martin Andanar na.
Pero iba na ngayon Ms. Mocha. Hindi ka na dapat magmukhang palengkera na eksperto sa pakikipagbabag nang pakikipagbabag.
Dapat bilang ASec, ikaw ay maging asset at classy na ang pakikibakbakan sa ‘trolls’ ng iyong mga kalaban. Mag-ingat ka na rin sa pagpo-post sa social media.
Hindi ka dapat nakikisabay sa estilong parang lagi kang nakikipag-away. Dapat maipaliwanag mo sa epektibong paraan kung bakit ‘peke’ ang news. At magagawa mo lang ito kung mahusay ka at may malawak na karanasan sa panganga-lap ng mga awtentikong datos.
Hindi ‘yung parang narinig mo lang sa palengke o nabasa mo lang sa isang post, bigla mo na silang babakbakan.
Kailangan kapag sumagot, tonong-Assistant Secretary.
Lagi ninyong tandaan ASec. Mocha, sa Malacañang ka na nagpe-perform at hindi sa mga entabladong ang audience ay parang mga hayok na hayok at tumutulo ang laway.
Ang audience ninyo ngayon, ang buong sambayanan. Kahit na kaparehong ‘bilib’ kay Tatay Digong, tiyak na kapag sumalto, sablay…
Inuulit lang po natin ASec. Mocha, please be extra careful.
Ok ba mga ka-DDS?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap