Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

ASec Mocha Uson, now is your time to shine!

ANG entertainer at performer na si Ms. Mocha Uson ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang Assistant Secretary (ASec) sa Presidential Communications and Operations Office (PCOO).

Itinalaga si Mocha bilang Assistant Secretary for Social Media para umano labanan ang mga naglalabasang pekeng balita.

As usual, inulan na naman ng pagbatikos at pagtutol ng netizens ang appointment ni Tatay Digong kay Mocha.

Kinuwestiyon ang kanyang moralidad, pagkatao at kuwalipikasyon kung nararapat ba siya sa nasabing posisyon.

Hanggang ngayon ay tila batik sa personalidad ni Mocha ang tipo ng entertainment at performance na siya ay nakilala.

Tinatawag nga siyang bold starlet noong araw. Kayang-kayang mag-live show sa pamamagitan ng mga sexy act. Mahusay ang performance, ‘ika nga, kaya nga naging paborito siya at ang grupo nila lalo ng mga mahihilig sa ganoong palabas.

051217 Duterte Mocha

Noong araw, sa National Press Club madalas namin siyang maimbitahan at nakikitang nagpe-perform si Ms. Mocha pero ngayon sa Malacañang na.

At ang kanyang bossing, si PCOO Secretary Martin Andanar na.

Pero iba na ngayon Ms. Mocha. Hindi ka na dapat magmukhang palengkera na eksperto sa pakikipagbabag nang pakikipagbabag.

Dapat bilang ASec, ikaw ay maging asset at classy na ang pakikibakbakan sa ‘trolls’ ng iyong mga kalaban. Mag-ingat ka na rin sa pagpo-post sa social media.

Hindi ka dapat nakikisabay sa estilong parang lagi kang nakikipag-away. Dapat maipaliwanag mo sa epektibong paraan kung bakit ‘peke’ ang news. At magagawa mo lang ito kung mahusay ka at may malawak na karanasan sa panganga-lap ng mga awtentikong datos.

Hindi ‘yung parang narinig mo lang sa palengke o nabasa mo lang sa isang post, bigla mo na silang babakbakan.

Kailangan kapag sumagot, tonong-Assistant Secretary.

Lagi ninyong tandaan ASec. Mocha, sa Malacañang ka na nagpe-perform at hindi sa mga entabladong ang audience ay parang mga hayok na hayok at tumutulo ang laway.

Ang audience ninyo ngayon, ang buong sambayanan. Kahit na kaparehong ‘bilib’ kay Tatay Digong, tiyak na kapag sumalto, sablay…

Inuulit lang po natin ASec. Mocha, please be extra careful.

Ok ba mga ka-DDS?

RICE CARTEL LAGOT
KAY SEC. MANNY PIÑOL

051217 pinol rice

Dapat nang nerbiyosin ang mga utak ng rice cartel.

Nakahanda na si Secretary Piñol kung paano ilalantad ang operasyon ng ‘rice cartel’ para kontrolin ang industriya ng mga butil ganoon din ang pagkontrol sa presyo ng palay.

Tahasang itinuro ni Secretary Piñol ang mga negosyanteng nakabase sa Binondo at sa Bulacan na sinabi niyang may kontrol sa ‘rice cartel.’

Hindi na po bago sa atin ang balitang ‘yan. May kasabihan nga, nakakorto pa ang mga lolo natin e rice cartel na ‘yan.

Dati ‘yung tatay ang may hawak niyan, ngayon ay naipamana na sa anak na namamayagpag.

Hindi rin tayo magtataka kung matuklasan ni Secretary Piñol na ang rice cartel na ito ay ‘may-ari rin ng isang poste sa Palasyo’ kahit sino pa ang maging presidente.

Kaya kung seryoso si Secretary Piñol, dapat na niyan sudsurin ang mga bigasan sa Bulacan at mga kalapit na probinsiya. Ganoon din sa Binondo at sa mga kalapit na bodega.

Sulong Secretary Piñol.

SIKAT SI PO3 HINGI
‘este MAGLUTAC
NG PANDACAN

042217 police complaint finger point

Isang sumbong ang ipinarating sa atin tungkol sa isang sikat na pulis ngayon sa Pandacan na si PO3 Francis  Maglutac (Pransis Maglutak ) alyas Pogi na nagpapakilalang bagman daw siya ng MPD Station 10 sa Pandacan.

Alam kaya ni P/Supt. Rolando Gonzales ang lakad nitong si Maglutac!?

Pero maraming pulis-Pandacan ang umaangal kay alias Pogi dahil ang assignment raw nito ay sa PCP Labores?

Sonabagan!!!

Halos linggo linggo, e wala raw ginawa itong si alias Pogi kundi ipanghingi ang kanilang presinto!?

Kesyo walang aircon ang opisina ni chief, sira ang CCTV, ipaaayos ang kotse ng bossing, may ipapa-change oil, kailangan ng TV sa opisina, may operation kuno at may pabasa pa raw ang presinto nitong nakaraang mahal na araw.

Wattafak!?

MPD DD Gen. Joel Coronel, maunawain naman ho ang Bulabugin kaya hihintayin ko na lang ang palusot ‘este paliwanag ni Kernel Gonzales at PO3 Magtulac!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *