Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teresa balik-showbiz, pagiging FA iniwan

BACK to showbiz na si Ms. Teresa Loyzaga dahil iniwan na niya ang trabahong flight attendant sa kilalang airline company sa Australia para samahan ang anak na si Diego Loyzaga.

Mag-isa kasi si Diego sa bahay niya at nahihiya siyang tumira sa tiyahin niyang si Bing Loyzaga kasama ang pamilya nito kaya tama lang na samahan siya ng mommy niya.

Anyway, may cameo role si Teresa sa seryeng Pusong Ligaw na isa ang anak niyang si Diego sa cast.

Hindi kaya gagawing regular si Teresa sa Pusong Ligaw? Gusto naming mapanood na magkaroon ng eksena ang mag-ina na gusto rin naman nila.

At base sa umeereng kuwento ng Pusong Ligaw ay muntik ma-rape si Sofia bilang Vida ni Nathan (Marco Gumabao) dahil nalasing ang una.

Ang masama, may basbas pala ang mommy ni Sofia na si Bianca King as Marga kay Marco dahil nga boto siya para maging boyfriend dahil mayaman at magagamit sa negosyo nila.

Hindi kayang sikmurain ng aktres ang gusto ng ina kaya naglayas siya ng bahay.

At dahil dito ay inaabangan ang pagkikita nina Sofia at Diego.

Nakakadalawang linggo palang ang Pusong Ligaw pero usap-usapan na ito ng mahihilig manood ng serye sa hapon at nagtala na ng 19.3% sa Kantar Media.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …