‘YAN ang paasa ‘este pangako ng Office of the Ombudsman para hindi na raw maabuso ang paggamit ng mga politiko sa Aguinaldo Doctrine.
Sa ilalim ng Aguinaldo Doctrine, inaabsuwelto nito ang isang public official sa administrative liability kapag sila ay muling nahalal sa puwesto kahit may kaso.
Hindi natin alam kung paniniwalaan natin ang pronouncement na ito ng Ombudsman.
Sa sariling karanasan ng inyong lingkod, matapos nating magsampa ng reklamo laban sa ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na ilegal na umaresto sa atin noong 5 Abril 2015, araw ng Linggo (Easter Sunday) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa asuntong Libel, e wala na tayong nabalitaan at narinig sa Ombudsman kung ano na ang nangyari sa kaso.
Natulog nang tuluyan!?
O nasa basurahan na?!
Gusto tuloy natin tanungin kung may ‘Madam Lerma’ ba sa Ombudsman?!
Gaya ng kaso laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes, hinggil sa fertilizer scam, anyare?!
Absuwelto si Reyes dahil nakantahan ng ‘lullaby’ ang kasong ‘yan sa Ombudsman?! Nakatulog nang matagal sa poder ng Ombudsman bago naisampa sa Sandiganbayan pagkaraan ng 12 taon!
CASINO-GIRL BRGY. CHAIRPERSON LIGAYA SANTOS. Makikita na lumalagda si broadcaster Percy Lapid, kolumnista rin ng HATAW D’yaryo ng Bayan, sa Office of the Ombudsman matapos niyang ihain ang administrative complaint laban kay Manila Barangay Chairperson Ligaya Santos, na nahuli niyang naglalaro ng Baccarat sa isang Casino sa loob ng City of Dreams. (BONG SON)
Ayun nagkaroon ng karapatan ang mga akusado para ipa-dismiss ang kaso dahil malinaw na pinagkaitan sila ng “constitutional right to speedy disposition of a case.”
Wattafak!
E sino naman ngayon ang naagrabyado nang ma-dismiss ang kaso?!
Walang iba kundi ang bayang nanakawan na ng mga tiwaling politiko, naloko pa ng Ombudsman dahil sa kupad aksiyonan ang mga kasong inihain laban sa mga tiwaling opisyal.
Kahapon naghain ng kaso ang katoto nating si Percy Lapid laban sa isang barangay chairperson na huling-huling naglalaro ng Baccarat sa isang posh casino sa Parañaque City.
Bukod sa nilalabag ang itinatadhana ng batas sa ‘bisyong’ maglaro ng Bacarrat gaya ng ginawa ng barangay chairperson, ayaw na ayaw ng kasalukuyang chief executive na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang ganyan!
Sana lang, huwag matulog sa Ombudsman ang kasong ito laban sa barangay chairperson.
Huwag sanang magkaroon ng isa pang “Madam Lerma” na hindi lang nagpapatulog ng kaso, kundi umaareglo pa.
Arayku!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN ni Jerry Yap
About Jerry Yap
Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)