‘YAN ang paasa ‘este pangako ng Office of the Ombudsman para hindi na raw maabuso ang paggamit ng mga politiko sa Aguinaldo Doctrine.
Sa ilalim ng Aguinaldo Doctrine, inaabsuwelto nito ang isang public official sa administrative liability kapag sila ay muling nahalal sa puwesto kahit may kaso.
Hindi natin alam kung paniniwalaan natin ang pronouncement na ito ng Ombudsman.
Sa sariling karanasan ng inyong lingkod, matapos nating magsampa ng reklamo laban sa ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na ilegal na umaresto sa atin noong 5 Abril 2015, araw ng Linggo (Easter Sunday) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa asuntong Libel, e wala na tayong nabalitaan at narinig sa Ombudsman kung ano na ang nangyari sa kaso.
Natulog nang tuluyan!?
O nasa basurahan na?!
Gusto tuloy natin tanungin kung may ‘Madam Lerma’ ba sa Ombudsman?!
Gaya ng kaso laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes, hinggil sa fertilizer scam, anyare?!
Absuwelto si Reyes dahil nakantahan ng ‘lullaby’ ang kasong ‘yan sa Ombudsman?! Nakatulog nang matagal sa poder ng Ombudsman bago naisampa sa Sandiganbayan pagkaraan ng 12 taon!
Ayun nagkaroon ng karapatan ang mga akusado para ipa-dismiss ang kaso dahil malinaw na pinagkaitan sila ng “constitutional right to speedy disposition of a case.”
Wattafak!
E sino naman ngayon ang naagrabyado nang ma-dismiss ang kaso?!
Walang iba kundi ang bayang nanakawan na ng mga tiwaling politiko, naloko pa ng Ombudsman dahil sa kupad aksiyonan ang mga kasong inihain laban sa mga tiwaling opisyal.
Kahapon naghain ng kaso ang katoto nating si Percy Lapid laban sa isang barangay chairperson na huling-huling naglalaro ng Baccarat sa isang posh casino sa Parañaque City.
Bukod sa nilalabag ang itinatadhana ng batas sa ‘bisyong’ maglaro ng Bacarrat gaya ng ginawa ng barangay chairperson, ayaw na ayaw ng kasalukuyang chief executive na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang ganyan!
Sana lang, huwag matulog sa Ombudsman ang kasong ito laban sa barangay chairperson.
Huwag sanang magkaroon ng isa pang “Madam Lerma” na hindi lang nagpapatulog ng kaso, kundi umaareglo pa.
Arayku!
E ANO KUNG PUMASOK SA DARE SI MADAM GINA LOPEZ!?
Nagulat naman tayo sa tirada ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi umano karapat-dapat si Madam Gina Lopez na maging kalihim ng DENR dahil dati siyang napasok sa DARE Foundation.
Hindi siguro naiintindihan ni Senator Ping na hindi lahat ng napapasok sa DARE noong dekada 70 ay mga lulong sa ilegal na droga.
Ang DARE Foundation ay pinamamahalaan noon ni Fr. Bob Garon.
Si Madam Gina ay napasok sa DARE dahil gusto ng kanyang mga magulang na kumalas siya sa Yoga group na Ananda Marga.
Iba ang tingin ng mga magulang ni Madam Gina noon sa Ananda Marga noon kaya pinilit nilang maipasok sa DARE ang kanilang anak.
Respetado at kinikilala ang DARE. May mga residente sa DARE na kung tawagin ay lifestyler, may behavioural problem at hindi mga lulong sa ilegal na droga.
At kung nanatili man nang kung ilang panahon si Madam Gina sa DARE, ibig sabihin ba nito na hindi na siya karapat-dapat sa bagong buhay?!
Maraming nagdaan sa DARE na ngayon ay matagumpay na negosyante habang ang iba ay kinikilala sa professional career.
Ano ba ngayon si Madam Gina Lopez?
Kahiya-hiya ba ang ipinakita niyang pagmamahal sa kalikasan at likas na yaman ng bansa?!
Maraming politiko o opisyal ng pamahalaan ang may mataas na pinag-aralan, bumibili ng thesis para may MA o PhD, pero minahal ba nila ang bayan?!
Sariling bulsa at pitsa lang ang kanilang minahal ‘di ba!?
‘Yun lang!
OTBT SA PNP MALABON MONEY-MAKING LANG?!
Mukhang dapat talagang bisitahin rin ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mga estasyon ng pulisya sa Metro Manila.
Isang reklamo ang ating natanggap sa mga residente sa Panghulo, Malabon.
Nagsagawa umano ng One-Time-Big-Time (OTBT) operation ang mga tauhan ni Malabon chief of police (COP) S/Supt. John Chua sa Barangay Panghulo.
Pinagdadampot ang mga lalaking nakahubad (half-naked), at mga nag-iinuman sa labas.
Ayon sa ilang residente, ang mga nahuling nakahubad, ang pinagmulta umano ng P500, kapag nag-iinuman sa labas ay P1,000 ang multa, at kapag nakahubad at nakikipag-inuman pa sa labas P1,500 ang multa.
Alinsunod raw sa City Ordinance, kung walang pangmulta ay may katumbas na community service.
Pero sa operasyon na ito ng mga bata ni Kernel Chua, walang option na community service, kundi pitsa ‘este multa lang.
Siyempre, mayroon namang mas gusto ang magmulta kaysa ma-detain pa sila.
Ang siste, noong nagbabayad na sila, ayaw mag-isyu ng resibo ng pulisya na sila ay nagmulta dahil sa paglabag sa city ordinance.
Ang tanong, bakit ayaw mag-isyu ng resibo ng mga bata ni Kernel Chua?! Legal ba ‘yang paniningil nila?! O rumaraket lang sila?!
Senior Supt. John Chua, mukhang ‘malasado’ ang OTBT ng mga tauhan mo riyan sa Barangay Panghulo, Malabon City…
Pakirekorida ‘yan chief!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN ni Jerry Yap
About Jerry Yap
Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)