Friday , November 22 2024

PAGCOR casinos ibebenta rin pala ni finance secretary Sonny Dominguez

KUNG nakapagbubuwis ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR)  ng P7.37 bilyon sa gobyerno sa loob ng isang taon, ang tanong ng taong-bayan, bakit kailangan pang ibenta ang mga casino na ino-operate at pinamamahalaan ng ahensiya?!

Itinatanong natin ito dahil ganito ang ipinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa 50th annual meeting ng Asian Development Bank (ADB) na ginanap sa Yokohama, Japan.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na kailangan nang i-privatize ang mga casino ng PAGCOR upang madagdagan ang pondong pumapasok sa kabang-yaman ng bansa.

Mayroon din umanong conflict of interests, dahil ang PAGCOR ay lumalabas na regulator, at the same time ay operator ng mga casino.

Ayon kay Dominguez, hindi matatapos ang 2017 ay unti-unti nang ibebenta ang mga state-run casino bilang bahagi ng regulatory mandate at hayaan na sa pribadong sektor ang commercial functions nito.

Binigyang-diin ni Dominguez, na hindi na kayang makipagkompetensiya ng PAGCOR-run casino sa mga private–led casino gaya ng Okada at Solaire.

Ibig sabihin, pinag-aaralan na ng PAGCOR at ng Privatization Council kung paano peperesyohan ang mga ibebentang casino.

Ang ibig bang sabihin ay ‘yung 46 casino properties ang ibebenta ng PAGCOR?

Ito ‘yung mga casino na inoobliga ng batas na ibigay ang kalahati ng kanilang annual gross earnings sa Bureau of Treasury?

Dito umano sa pondong ito, kinukuha ang  community and social projects ng gobyerno.

E kung ibebenta lang pala ang PAGCOR, ibig sabihin ba na hindi naman talaga kumikita ang mga casino ng gobyerno?

Kung ganoon, saan pala nila kukunin, ang halos P14 bilyones gross income ng PAGCOR na ang kalahati ay napupunta sa gobyerno?!

Tsk tsk tsk…

Wala palang ipinagkaiba itong mga bright boys ni Digong kay FVR na walang ginawa kundi magbenta nang magbenta ng pag-aari ng gobyerno?!

‘Yan lang ba ang alam na diskarte ni Pagcor Chair Didi Domingo!? Anong mangyayari sa mga Pagcor employees?

Huwag tayong magtaka na isang umaga ay nagising na lang tayong hindi na Filipinas ang pangalan ng ating mahal na bayan.

Araykupo!

JUETENG LARGADO
SA ABRA

GOOD pm sir Jerry, taga-Abra po aq pero jan aq sa Maynila nagtra2baho at nagbakasyon ako dito. Dati na may jueteng dto sa amin, Dolores, Abra. Akala q nawala na after 11 yrs pero lalo pang lumakas. Alam ‘yan ng mga pulis at mga mayor. Nagpunta rin kami sa sabungan sa Tayum, Abra nakita ko marami local official na ngsasabong kc may special na kuwarto at upuan cla. Grabe rin cla pumusta. ‘Wag n’yo lng po ilabas numero natin sir, malakas mga kalaban. Subukan n’yo nga sir bulabugin. Salamat po.

– Concern citizen po.
+63929560 – – – –

SOLUTION
SA PHASE-OUT
NG PUJ

GOOD am po. Meron po solution sa phase out ng dyip ang dm-x engine protector at fuel enhancer. Alkaline-based lubricating additives para 30,000 km na po ulit mag-change oil. Iwas overheat, overhaul, mabawasan ang itim na usok at tipid sa diesel or gasoline. Nag-zero sa smoke emission. Meron na po certification sa DENR EMB at walang kemikal at acid na makasisira sa makina. Puwde mapanood ang commercial sa youtube. Pero iba ang ipino-promote ng DOTr at LTFRB ang bumili ng Euro 4 na makina at milyon ang halaga at ibabaon sa utang mga operator ng dyip. Tulungan n’yo po kami mai-promote ito Dm-x Technology na gawa ng Filipino Engineer Sir. Salamat po.

+639989834875

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *