Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PAGCOR casinos ibebenta rin pala ni finance secretary Sonny Dominguez

KUNG nakapagbubuwis ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR)  ng P7.37 bilyon sa gobyerno sa loob ng isang taon, ang tanong ng taong-bayan, bakit kailangan pang ibenta ang mga casino na ino-operate at pinamamahalaan ng ahensiya?!

Itinatanong natin ito dahil ganito ang ipinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa 50th annual meeting ng Asian Development Bank (ADB) na ginanap sa Yokohama, Japan.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na kailangan nang i-privatize ang mga casino ng PAGCOR upang madagdagan ang pondong pumapasok sa kabang-yaman ng bansa.

Mayroon din umanong conflict of interests, dahil ang PAGCOR ay lumalabas na regulator, at the same time ay operator ng mga casino.

Ayon kay Dominguez, hindi matatapos ang 2017 ay unti-unti nang ibebenta ang mga state-run casino bilang bahagi ng regulatory mandate at hayaan na sa pribadong sektor ang commercial functions nito.

Binigyang-diin ni Dominguez, na hindi na kayang makipagkompetensiya ng PAGCOR-run casino sa mga private–led casino gaya ng Okada at Solaire.

051017 PAGCOR money

Ibig sabihin, pinag-aaralan na ng PAGCOR at ng Privatization Council kung paano peperesyohan ang mga ibebentang casino.

Ang ibig bang sabihin ay ‘yung 46 casino properties ang ibebenta ng PAGCOR?

Ito ‘yung mga casino na inoobliga ng batas na ibigay ang kalahati ng kanilang annual gross earnings sa Bureau of Treasury?

Dito umano sa pondong ito, kinukuha ang  community and social projects ng gobyerno.

E kung ibebenta lang pala ang PAGCOR, ibig sabihin ba na hindi naman talaga kumikita ang mga casino ng gobyerno?

Kung ganoon, saan pala nila kukunin, ang halos P14 bilyones gross income ng PAGCOR na ang kalahati ay napupunta sa gobyerno?!

Tsk tsk tsk…

Wala palang ipinagkaiba itong mga bright boys ni Digong kay FVR na walang ginawa kundi magbenta nang magbenta ng pag-aari ng gobyerno?!

‘Yan lang ba ang alam na diskarte ni Pagcor Chair Didi Domingo!? Anong mangyayari sa mga Pagcor employees?

Huwag tayong magtaka na isang umaga ay nagising na lang tayong hindi na Filipinas ang pangalan ng ating mahal na bayan.

Araykupo!

MANILA INTEL
‘INUTIL’
— GEN. BATO

051017 bato PNP MPD

Walang nagawa si Philippine National Police (PNP) chief, Director General  Ronald “Bato” dela Rosa kundi ang humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa kapalpakan ng intelligence group ng Manila Police District (MPD).

Inamin mismo ni DG Bato, na ang dalawang pagsabog nitong Sabado       na ikinamatay ng dalawang tao at ikinasugat ng anim na iba pa ay dahil sa kapalpakan ng intelligence sa bahagi ng pulisya.

O ‘yan ha, si DG Bato na mismo ang nagsabi, inutil ang intel!

Wala ba talagang kahihiyan itong mga inutil ‘este’ intel na ito, mantakin ninyong, PNP chief pa ang nanghingi ng paumanhin sa taong-bayan?!

Wattafak!?

Anyway, sinabi naman ni DG Bato na hindi niya papalitan o sisibakin si MPD district director, Gen. Jigz Coronel.

Korek po ‘yan, DG Bato, pero puwede po ba, sibakin na lang ninyo ang mga palpak na intelligence boys sa Maynila at baka riyan pa kayo masibak!

JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE
SA KAPIHAN SA MANILA BAY NGAYON

051017 aguirre kapihan

Kitakits tayo sa Café Adriatico sa Malate, Maynila 10:00 am para pakinggan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pagsusulong ng laban kontra illegal gambling ng pamahalaan.

Mayroon ba talagang tumbahan na magaganap?!

Alamin kay Secretary Vit Aguirre!

JUETENG LARGADO
SA ABRA

GOOD pm sir Jerry, taga-Abra po aq pero jan aq sa Maynila nagtra2baho at nagbakasyon ako dito. Dati na may jueteng dto sa amin, Dolores, Abra. Akala q nawala na after 11 yrs pero lalo pang lumakas. Alam ‘yan ng mga pulis at mga mayor. Nagpunta rin kami sa sabungan sa Tayum, Abra nakita ko marami local official na ngsasabong kc may special na kuwarto at upuan cla. Grabe rin cla pumusta. ‘Wag n’yo lng po ilabas numero natin sir, malakas mga kalaban. Subukan n’yo nga sir bulabugin. Salamat po.

– Concern citizen po.
+63929560 – – – –

SOLUTION
SA PHASE-OUT
NG PUJ

GOOD am po. Meron po solution sa phase out ng dyip ang dm-x engine protector at fuel enhancer. Alkaline-based lubricating additives para 30,000 km na po ulit mag-change oil. Iwas overheat, overhaul, mabawasan ang itim na usok at tipid sa diesel or gasoline. Nag-zero sa smoke emission. Meron na po certification sa DENR EMB at walang kemikal at acid na makasisira sa makina. Puwde mapanood ang commercial sa youtube. Pero iba ang ipino-promote ng DOTr at LTFRB ang bumili ng Euro 4 na makina at milyon ang halaga at ibabaon sa utang mga operator ng dyip. Tulungan n’yo po kami mai-promote ito Dm-x Technology na gawa ng Filipino Engineer Sir. Salamat po.

+639989834875

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *