Tuesday , December 24 2024

Tagumpay ang ASEAN summit sa bansa

MATAGUMPAY ang ginanap na ASEAN Summit sa PICC at talagang nakita natin ang respeto ng ASEAN leaders kay Pangulong Duterte.

Down-to-earth kasi si Tatay Digong at magaling makipag-usap para mapalakas lalo ang ugnayan at trade facilitation ng Filipinas sa ASEAN members.

Napakaganda rin ang ginawa ni Madam Honeylet Avanceña na siyang nag-asikaso at nangasiwa sa mga asawa ng ASEAN leaders.

Todo-suporta rin ang mga anak ng ating Pangulong Duterte na sina Mayor Sarah Duterte, Vice Mayor Paolo Duterte, Sebastian Duterte at Kitty Duterte.

Sentro ng pag-uusap ang West Philippine Sea at palakasin pa lalo ang ugnayan ng Russia at China sa ating bansa.

Magaling at nakabibilib talaga ang ating Pangulo.

Mabuhay kayo mga Sir, Ma’m!

Mabuhay ang pamilya Duterte!

***

Congratulations sa matagumpay na ASEAN security ng AFP at PNP.

Ganoon din sa NBI dahil iniutos ni NBI Director Atty. Dante Gierran na paigtingin ang intelligence gathering sa mga terrorista at mga balak manggulo sa naturang event. Panay ang ikot ni Director Gierran upang i-monitor ang pagbabantay ng NBI sa ASEAN summit.

Halos hindi na umuwi si Director Gierran sa bahay nila hanggang matapos ang ASEAN summit.

Diyan natin makikita kung gaano kaser-yosong maglingkod sa ating bansa si Director Gierran.

Mabuhay kayo!

***

Congratulations pala kay Antoni Paulene Pascual for passing the bar examination at sa kanyang Daddy na si customs Coll. Mel Pascual. Talagang may pinagmanahan si Atty. Antoni!

***

Kudos sa Customs Enforcement Group sa pangunguna ni Depcom. Ariel Nepomuceno dahil sunod-sunod na naman ang kanilang huling kontrabando sa pier at sa NAIA.

Kamakailan lang ay nasakote nila ang isang pasaherong Tsino na nagtangkang magpuslit ng Nokia cellphones at mga chargers sa arrival area.

Lalong tumatalas at gumagaling ang mga operatiba ng Enforcement Group ni Depcom Nepomuceno.

Good work Sir!

***

Isa rin sa maganda ang performance sa Bureau of Customs ngayon ay si X-ray chief Major Raul Cometa.

Talagang nahubog nang husto sa laban kaya walang inuurungan trabaho. Hardworking at humble at nakita natin ang kanyang husay at galing sa pagtatrabaho 24/7.

Kahit bago lang siyang naupo bilang hepe ng customs X-ray unit ay marami na agad si-yang huling kontrabando.

Marami ang humanga agad sa batang opisyal na ‘di na rin matatawaran ang nagawa sa Aduana.

Kaya ingat na lang ang mga smuggler sa kanya ngayon.

Isa siyang PMAer at scout ranger kaya hasang-hasa sa karanasan sa pakikipaglaban.

Ilan sa kanyang accomplishment at apprehension ay: 1.2 Kilos of shabu, 10 grams of shabu, 15 ecstasy tablets, 2 pistols, 1 pistol, Aircraft parts, 1 backhoe, 1 forklift ( declared as wire pom), 2 bags no permit medicines, 8 kilos pearls.

Sa kanyang magaling na liderato, tumaas ang moral ng kanyang mga tauhan.

Katuwang niya siyempre ang masipag at magaling niyang X-ray unit assistant chief na si Lt. Sherwin Andrada.

Talagang sinusunod nila ang mandato ni Pangulong Digong na sugpuin ang ilegal na droga kahit buhay pa nila ang nakataya sa mga operasyon na ginagawa nila.

Kaya keep up the good work guys!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *