Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Album ni Sam, naka-250 copies agad sa loob ng 1 oras

FINALLY, after six years ay muling nag-launch ng album niya si Sam Milby under Star Music sa Eastwood Open Park noong Linggo at take note, naka-250 copies ng album ito sa loob lamang ng isang oras.

Nakausap namin si Sam sa likod ng stage pagkatapos kumanta na aminadong kabado dahil ang tagal niyang hindi naglabas ng album at iniisip niya kung mabebenta ang CD dahil baka nalimutan na siya ng tao bilang singer.

“Halos lahat, recorded na last year at gusto na ng Star Music, ire-release na kasabay sa ‘Doble Kara’ (teleserye), sabi ko sa kanila (Star Music), ‘mahihirapan akong mag-promote ng album kasi sabay sa tapings at nagso-shoot ako ng movie, ‘yung ‘Camp Sawi’ at ‘Third Party’.

“Tapos sa panahon ngayon, mahirap magbenta ng album kasi everything is digital na, so I wanna do the mall shows, I wanna do na may sigla pa ako, kasi ‘pag pagod lagi sa tapings/shootings, wala na. I want to concentrate talaga in promoting the album,” say ng binata.

Napabili kami ng album ni Sam dahil gusto namin ang mga kanta at gustong-gusto namin ang carrier song nitong Who’s That Girl dahil parang hindi siya ang kumanta dahil iba ang boses.

“Actually, ako ang pumili ng carrier song and Star Music, it was half-half, eh. Ang gusto talaga nila, ‘Tunay Na Pag-Ibig’ kasi when people hear ‘Who’s That Girl’ sa radio or sa album, they’re hear na ang daming nagsasabing, ‘Sam, parang hindi ikaw ito,’ parang ‘pag narinig mo, hindi mo iisiping ako ‘yung kumanta. Normally like the other songs, ‘Hindi Kita Iiwan’, ‘My Girl and Only You’, alam mo na ako ‘yung kumanta. So ‘Who’s That Girl’, sounds different, they want it that wholesome muna,” say pa.

Para kanino ba ang awiting Who’s That Girl? Nakita namin si Mari Jasmine sa venue.

“Nagulat nga ako na dumating na siya, akala ko kasi hindi siya aabot,” tumatawang sagot ni Sam.

Bakit alam lahat ni Mari Jasmine ang lyrics ng kanta ni Sam dahil sinasabayan niya ito na may kasamang sayaw.

“Alam niya kasi, ha, ha, kasama ko siya kapag nagre-rehearse ako kaya kabisado rin niya ‘yung mga song,” kuwento pa ng binata.

At sa nalalapit na kaarawan ni Sam sa Mayo 23 ang wish niya ay, “sana maraming bibili ng album, ha, ha, ha.”

Malayo pa sa plano ni Sam na lumagay sa tahimik dahil gusto muna nilang i-enjoy ni Mari Jasmine ang kanilang relasyon lalo’t maganda ang career nila pareho.

May gagawing pelikula sa Viva Films at Regal Entertainment si Sam pero bawal pang banggitin kung sino ang makakasama niya.

Samantala, hindi pa rin nawawala sa isipan ng aktor na muling mag-audition sa Hollywood.

“Tuloy pa rin ‘yung plan na gusto kong mag-audition, even just for the experience, iba ‘yung experience kasi. ‘Pag may time, gusto kong bumalik sa Los Angeles and I still have to visit my management there para alam din nila na hindi talaga puwede last year because of ‘Doble Kara,’” kuwento sa amin ng Rockoustic  Heartthrob.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …