Thursday , December 26 2024

MTPB pahirap sa masa, panggulo sa MMDA

IPINAGMAMALAKI ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na may bago silang kautusan sa mga sasakyan na ilegal na pumaparada o gumagarahe sa mga lugar o espasyo na hindi nila dapat okupahan.

Kabilang umanos a mga lugar na ito ang simbahan, ospital, paaralan at fire hydrants.

Kaya magiging massive umano ang pagkakabit ng MTPB ng “no parking sign” sa mga lugar na bawal magparada o gumarahe.

Ang mga sasakyang mahuhuling nakaparada o nakagarahe sa mga bawal na lugar ay agad na babatakin ng towing truck.

Para mabawi ang mga sasakyang nabatak kailangan magbayad ng P3,800 daw para sa light vehicles; P5,000 sa vans and sports utility vehicles; P8,000 sa mga truck at iba pang heavy vehicles; at P2,800 sa public utility vehicles.

Gusto lang natin ipaalala kay MTPB chief, Dennis Alcoreza na paulit-ulit lang ang ganitong sistema. Paulit-ulit lang din ang pagsasamantala ng mga towing truck para madiskartehan ang mga may-ari ng sasakyan na kanilang ito-tow.

Baka sa huli, walang gawin ang mga towing truck kundi mambatak nang mambatak ng sasakyan para umareglo nang umareglo sa kanila.

Ang susunod na tanong natin, bakit ‘yung mga pambansang liwasan (national park) na mayroong monumento ng mga Dakilang Bayani gaya ni Gat Andres Bonifacio, hindi ipinagbabawal ang pagparada ng mga UV Express, kolorum na van at provincial buses?!

Kung ‘yung national shrine ni Gat Dr. Jose Rizal ay punong-puno ng paggalang at pagdakila sa pamamagitan ng pagtatalaga ng Honor Guards at pinanatili ang kalinisan sa ekta-ektaryang liwasan, bakit hindi sa Liwasang Bonifacio o sa Bonifacio Shrine na halos katabi lang ng Manila City Hall?!

Kung anong aliwalas ng Rizal Park at naging malaking isyu ang pambabastos sa sacred skyline ng Rizal monument  dahil sa isang “fotobam” na gusali, bakit hindi naging isyu ang kalunos-lunos na kalagayan ngayon ng Liwasang Bonifacio?!

Mabaho, marumi, naglaho na ang hilatsa nito bilang isang national park at naging kanlungan na lamang ng mga palaboy, solvent & rugby boys, at higt sa lahat kinonsinti at hinayaan na maging garahe ng mga UV Express, kolorum na van at provincial buses.

Ilang dekada nang tinatawag na illegal terminal ang nasabing lugar dahil hindi naman parking area ang Liwasang Bonifacio — ito ay isang o pambansang liwasan.

Ito rin ang dahilan kung bakit mahina ang bagong bukas na Southwest Integrated Provincial Terminal (SIPT) sa Macapagal Boulevard sa harap ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa Libertad St., Pasay City kahapon.

Nandoon na kasi ang SIPT ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) — ang opisyal na paradahan at terminal ng mga provincial buses patungong  Dasmariñas Cavite, Cavite City, Nasugbu, at Balayan, Batangas.

Maganda at makabuluhan ang layunin ng SIPT na ito at malaking tulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila.

Pero kung magiging kakompetensiya nila ang mga illegal terminal sa Metro Manila lalo na sa Maynila tiyak na maapektohan ang SIPT.

E ‘yung Park & Ride lang nga sa Mehan Garden pinabagsak ng illegal terminal sa Lawton, ‘yan pa kayang SIPT na malayo ang distansiya?!

Ipinagmamalaki nga pala ni Alcoreza na legal na daw ‘yang illegal terminal na ‘yan sa Lawton…

E saan at kanino pala napupunta ang hatag? Sa Manila city hall?

Nag-iisyu ba ang MTPB ng resibo tuwing magbabayad sa kanila ang mga driver ng mga sasakyang pumaparada riyan?!

Alam ba ng MMDA na legal na ang terminal diyan sa Liwasang Bonifacio?!

Higit sa lahat, nakatutulong ba sa programa ng MMDA na paluwagin ang trapiko sa Metro Manila kung papayagan na gawing terminal ng UV Express, kolorum na van at provincial buses ang isang Pambansang Liwasan?

Matagal nang isyu ‘yang illegal parking na ‘yan, dapat nang tuldukan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *