ISA si Claudine Barretto sa mga artistang babae na isang single parent. Kaya naman nag-react siya sa naging pahayag ni Senator Tito Sotto sa single parent na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.
Sa ginanap na Senate hearing ng Commission of Appointments (COA) noong Wednesday, para sa kompirmasyon ni Taguiwalo, na “na-ano lang” daw ang cabinet secretary dahil sa pagiging single mother nito. Na ang ibig niyang sabihin ay naanakan o nabuntis lang si Sec. Taguiwalo ngunit walang asawa o kaya’y hiwalay sa asawa.
Ngunit para kay Claudine, hindi ito katanggap-tanggap.
Si Claudine ay may dalawang anak mula sa dati niyang mister na si Raymart Santiago na sina Sabino at Santina at mayroon din silang ampon.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Claudine ng ganito, “Senator Tito Sotto, I am a single mother of 2 and im proud of myself and I have so much respect para sa lahat ng mga single mothers na tumatayong nanay at tatay. Para sa akin bayani ang mga single mothers, wala ho kaming dayoff, sweldo o benefits bilang isang single mother. Ninong namin kayo ni Raymart sa kasal so siguro naman po alam ninyong hindi ako NA ANO LANG!!!”
Nag-react din ang isa pang single parent, ang komedyanang si Pokwang. Sa kanyang Twitter account, sinabi niyang, “Hindi po ako na-ano lang! naging single mom ako kasi wala pong BAYAG!! ang lalaking minahal ko! pero binuhay ko ng marangal mga anak ko!”
Aware naman si Sen. Sotto na marami ang nag-react sa mga single parent sa naging pahayag niyang ‘yon. Kaya naman agad siyang humungi ng dispensa sa mga ito at sinabi niyang joke lang ‘yun.
Sa interview sa kanya ng GMA News Online, sinabi niyang, “Ang premise ko, sabi ko nga, in the street language, di ba? Yun ang biruan sa kalsada. That’s why kung minasama nila, I’m sorry, I apologize. They don’t understand the joke. It’s a common expression as a joke, but then again, I said, if they feel offended, then I’m sorry/I’d like to apologize for that.
MA at PA – Rommel Placente