Wednesday , August 13 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bright boys ni ‘Digong’ over mag-react kay Agnes Callamard

AGAD inupakan ni Chief Presidential Legal Adviser, Atty. Salvador Panelo si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard nang magsalita at upakan ang drug war sa 30th anniversary ng Commission on Human Rights (CHR) sa Diliman, Quezon City.

Biased umano ang mga opinyon ni Callamard, batay lang sa tsismis at mga report ng media kaugnay sa mga patayan bunsod ng drug war ng administrasyong Duterte.

“She just cannot come here and read newspaper reports and hear the talks of some critics and watch some videos and make a conclusion that there is something wrong the way this government is doing its job. What I’m questioning is the basis of her conclusion, which is based on hearsay and some reports coming from whoever and from wherever,” ani Panelo.

Bahit hindi raw sinagot ni Callamard ang imbitasyon sa kanya ng Palasyo na bumisita sa bansa at makipagtalakayan sa mga opisyal ng gobyerno hinggil sa estado ng human rights sa bansa.

050717 Callamard Duterte abella panelo

Kaya nakapagtataka umano na nagkaroon ng konklusyon si Callamard batay sa mga nabasa niyang ulat, at napanood na videos ay nasabi nang mali ang pagsasagawa ng drug operations ng awtoridad sa bansa.

Kailangan aniyang magsagawa nang malayang imbestigasyon si Callamard hinggil sa mga nangyayari sa Filipinas kaya nga siya inanyayahan ni Pangulong Duterte na bumisita sa bansa ngunit hindi tumugon ang special rapporteur.

Para naman kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, desmayado ang Palasyo kay Callamard sa hindi pag-abiso na darating sa bansa.

Malinaw na senyales aniya ito na hindi interesado si Callamard na magkaroon ng patas na perspektiba na pangunahin niyang responsibilidad bilang special rapporteur.

Itinaon ni Callamard ang pagbisita sa bansa sa panahon na nagtungo sa Geneva ang isang senior-level delegation ng Filipinas upang makipag-usap sa mga opisyal ng Office of the United Nations High Commission for Human Rights.

Wattafak!

React to the max ang bright boys ni Tatay Digong.

E kung wala naman palang kuwenta at kung hindi naman guilty, bakit kailangan dumakdak nang  dumakdak ng bright boys ni Tatay Digong?

Tsk tsk tsk…

Manahimik na lang kayo kung hindi naman talaga kayo affected!

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Firing Line Robert Roque

Kawalang hustisya, bumida sa pagkamatay ni Gelo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ito ang inaasahan nating kahahantungan ng pagkatalo sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

MMDA Bayanihan Estero Program, suportado ni PBBM

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAHA… baha… baha… nakita naman natin na kahit saang sulok ng …

Firing Line Robert Roque

Tiktok ang bahala

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Migrant Workers (DMW) sa TikTok …

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *