SWAK sa kulungan ang isang wardrobe designer, sinasabing isang bigtime drug pusher, at apat iba pa sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga suspek na sina Sonita Vitor, 45, wardrobe designer, ng C. Molina Street, Brgy. Marulas; Niño Nicanor, 37, ng Brgy. Punturin; Mary Jane Sta. Maria, 34, ng Brgy. Karuhatan; James Canata, 20, ng Brgy. Pinalagad, at Honey Grace Dealega, 24, ng Brgy. Marulas, Valenzuela City, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).
Batay sa ulat ni Insp. Willex Mesina ng Drug Enforcement Unit (DEU), dakong 12:45 am nang isagawa ang buy-bust ope-ration ng kanyang team sa Fatima Avenue ng nasa-bing barangay, nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
Nakompiska mula sa mga suspek ang 18 sachet ng shabu, P7,000 marked money, isang .45 kalibre ng baril, P178,000 cash na pinaniniwalaang pinagbentahan ng droga, at ang Nissan X-Trail (XPK-410) na ginamit sa transaksi-yon. (ROMMEL SALES)
GRAB DRIVER TIMBOG
SA ANTI-DRUG OPS
INARESTO ang isang driver ng Grab Transport Network vehicle, sinasa-bing sideline ang pagtutulak ng droga, makaraan makompiskahan ng shabu ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7, kahapon ng umaga.
Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, kinilala ang nadakip na si Eladio Tiburcio alyas Elly, 42, ng 33 Boni Serrano St., Brgy. Bagong Lipunan, Crame, Quezon City.
Si Tiburcio ay nada-kip dakong 5:00 am, sa kanto ng Gen. Roxas at Araneta avenues, Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City sa loob ng ipinapa-sadang Toyota Vios (VK 2391). (ALMAR DANGUILAN)