Saturday , November 23 2024

Sumali sa Gawad KWF sa Sanaysay 2017!

Tuntunin.

Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

Ang paksa ng sanaysay ay maaaring pagtalakay ng konsepto o resulta ng saliksik sa larang na agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o mga katulad nito.

Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mula sa ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra sa 30.

Bilang saliksik, kailangang sumusunod ang paraan ng pagsulat nito sa mga tuntuning nakasaad sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.

Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12, Arial), may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaimprenta sa short bond paper na may laking 8 ½ x 11 pulgada.  Ang soft copy ng lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD).

Kinakailangang nagtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) ang dokumento, soft copy man o nakaimprentang kopya.

Kasama ng ipapasang lahok ay isang isang selyadong No. 10 envelope na naglalaman ng hiwalay na  pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng may-akda, dalawang retrato (2×2) ng kalahok, at maikling biodata.

Ipadala ang lahat ng kahingian sa:
Gawad KWF sa Sanaysay 2016
Komisyon sa Wikang Filipino
2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,
San Miguel, Manila 1005

Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o  natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalty sa mga may-akda.

Ang gantimpala ay: una, P30,000.00 at karangalang maging Mananaysay ng Taon; pangalawa, P20,000.00; pangatlo, P15,000.00.

Hindi patatawarin ang sino mang mahuhuling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

Hanggang 07 Hulyo 2017, 5:00 nh ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga lahok na ipinasa sa email.

Para sa mga tanong, tumawag sa (02) 736- 2519 para sa karagdagang impormasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *