Thursday , December 26 2024

Joint ops sa China puwede ba?

POSIBLE bang maging magkatuwang ang Filipinas at China sa mga isasagawang operasyon?

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ay sinusuportahan niya ang deklarasyon ni Pres. Rodrigo Duterte na payagan ang puwersa ng China na magsagawa ng joint patrols na kasama ang mga Filipino sa Sulu Sea. Magbubunga umano nang maganda kung may military presence sa area na dinaraanan ng mga kidnapper at mga teroristang ISIS.

Para sa kaalaman ng lahat, pinayagan ni Duterte ang joint patrols sa pagitan ng mga Filipino at Chinese sa karagatan ng Mindanao upang malabanan ang mga teroristang Abu Sayyaf na madalas dumaan doon kapag may dinudukot sila.

Nauna rito ay masinsinan nang nakikipagtulungan ang Filipinas sa Malaysia at Indonesia upang labanan ang pamimirata at kidnapping sa naturang karagatan.

Pero ayon kay Esperon, ang mungkahi ni Duterte ay kailangan pang pag-aralan dahil ang mga joint patrol ay maisasakatuparan lamang kung may pamamatnubay nang pormal na tratado.

Kapag may iniutos daw ang Pangulo ay tinitingnan nila ang mga pangangailangan kung paano ito maipatutupad. Sa joint exercises daw ay kailangan ang visiting forces agreement at marahil ay tratado na rin. May ibang pangangailangan din tulad ng pagtatalaga ng lugar na gagawan nito.

Ayon kay Esperon, ang pagkakaroon ng matatag na seguridad sa kapaligiran ng Mindanao ay magpapabuti sa ekonomiya ng rehiyon. Ang Mindanao ay hindi raw dapat itratong backdoor kundi gateway ng ASEAN tulad ng Brunei, Indonesia, Malaysia at ng mga bansang Muslim.

Pero ang tanong, hindi ba dapat responsibilidad ng puwersa ng Filipinas at hindi iniaasa sa ibang bansa ang pagpapatrolya at pagbibigay ng seguridad sa mga karagatan sa paligid ng bansa?

Lumalabas tuloy na hindi natin kayang bantayan ang sarili nating teritoryo laban sa mga damuhong teroristang Abu Sayyaf, pirata at mga gumagalang kriminal sa karagatan.

At paano tatanggapin ng mga Filipino kung makikitang nagpapatrolya ang puwersa ng gobyerno na kasama ang mga damuhong Chinese na nang-api at nagtaboy sa kanila sa pangingisda?

Alalahaning hindi biro ang pagmamalupit, pambababoy at pambabastos na ipinatikim ng China sa mga Filipino. Hindi ito basta-basta malilimutan ng ating mga kababayan.

Hindi ba’t kamakailan lamang ay sinita ng China at tinangkang pigilan ang mga opisyal ng Filipinas sa paglapag at pagbisita sa Pag-asa Island na nasa loob mismo ng ating teritoryo?

Sa totoo lang, mga mare at pare ko, hanggang ngayon ay wala pa rin tiwala ang karamihan ng Filipino sa China dahil sa kawalanghiyaan nito.

Manmanan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *