Friday , November 22 2024

Danica, ipinagtanggol si Ciara; Sharon, humingi ng paumanhin

IPINAGTANGGOL ni Danica Sotto- Pingris ang pinsang si Ciara Sotto na idinadamay ng mga basher ni Senator Tito Sotto.

“Please ‘wag kayo rito mag-comment. Respect her account. May mga nasaktan man pero unfair na idamay niyo siya pati ang pamangkin ko,” pakiusap ni Danica.

“Sorry if may mga na hurt but pls let her enjoy her vacation (nasa Japan ngayon). Respect ang gusto niyo di ba po? Pls also show her some respect,” dagdag pa niya.

Kahit ang anak ni Sen. Sotto na si Gian ay may post na rin sa kanyang social media account.

“Gusto ko po manahimik na lang sana, pero hindi po kaya ng puso ko. Puno ng galit at masasakit na salita itong nakaraang 24 hours sa Press/News/Social Media. Kaliwa’t kanan na pambabatikos at paninira sa aking tatay, sa aking kapatid at sa aking pamilya. Yes, nagkamali po ang tatay ko sa joke niya, and he is sorry for it. Hindi po ibig sabihin nito ay masamang tao na siya.

Nobody is perfect. Lahat po tayo nagkakamali. But, he is the best husband, father and grandfather, and I thank God for him everyday. And this is why I’m speaking up. I will forever honor my father. It was never his intention to offend or to insult anyone. He never doubted the capabilities of single parents. May mga kapatid akong single moms at mga kaibigang solo parents, kaya alam po namin na hindi madali ang buhayin ang pamilya ng mag-isa. Walang sinabi ang tatay ko na hindi kaya ng isang solo parent, at ng kanyang pamilya, na magtagumpay sa buhay at makamit ang kanilang mga minimithi.

Alam ng Diyos kung ano ang nasa puso ng tatay ko at yun ang pinakaimportante sa lahat. Alam ko na malalampasan namin ito dahil kasama namin ang Diyos. Sa bawat pagsubok we put our trust in God. Thank You Lord for Your Strength and Your Grace, every single day! We lift our family up to You! <Øûß Da, I love you so much, po! <Øûß@helenstito”.

Maging ang megastar na si Sharon Cuneta ay may mahabang statement na rin sa kanyang Facebook page tungkol sa isyung kinasasangkutan ng itinuturing niyang second daddy.

“I would have preferred to be quiet about this matter, but because I know the man involved in this issue and consider him my second father, please be kind and give me this opportunity to put this forth.

We all say things we regret every once in a while. We are all only human, after all. We forgive because we know how it feels to ask for forgiveness.

I am sure that just like I and many others, we sometimes mention things that we do not mean to include the entire population in or about. Madami pong single mothers, single fathers. Hindi lahat ay mapagmahal at maaruga. Pero NAPAKARAMI namang single parents na ibibigay ang lahat maging ang sariling buhay para lamang sa Ikaliligaya at ikabubuti ng anak. I MYSELF was a single mother. My two beloved cousins whom I consider true sisters, mga anak mismo ng kilala ko bilang “Fath” at “Daddy,” at kilala niyo bilang Tito sen o Sen. Sotto, ay single mothers din. Bakit naman nya babalahurain ang mga tulad naming mahal nya Kung yun nga ang pakay nya?

As his “panganay,” and without even having spoken with him about this, I offer my sincerest and deepest apologies sa lahat po ng nasaktan at na-offend ng comment nya. Minsan po siguro lahat tayo ay nauuna sa pag-iisip ang pagsasalita. At tulad po ng narinig ko ngayon lang, humingi na rin sya ng paumanhin. Sana po ay matuto tayong magpatawad. Lahat po tayo ay nagkakamali. At lahat tayo ay nangangailangan din po ng patawad sa anumang nagawa natin para makasakit ng kapwa, sadya man natin o Hindi.

Huwag po sana kayo magalit sa akin o masamain ito. Lahat ng anak ay nasasaktan din. Lahat ng Ate ay dumudugo ang puso kapag ang kapatid- ang akin ay si Ciara Anna – ay nadadamay sa pagkakamali ng ama. Napakatinong babae po ng mga kapatid ko. Si Ciara ay di pa natatapos sa pagluluksa, pagluha, sa sakit na di nya inaasahang dadanasin pala niya. Patawad po. At maawa po sana kayo. Please spare her, like other good single mothers who were surely not meant to be included in a single, unthought of moment.

Maraming salamat po. And if you believe in any word I have stood by to you over four decades, believe me please when I say that yes, Sen. Sotto is not perfect and is only human just like us. But he is a good husband, father, and a  person with a darn good heart.

Again, I am so sorry on his behalf. And thank you so much for reading this.

This is the first and the last time I will be addressing this issue as I have said everything I have already had to say about it. Thank you for your understanding.

God bless you, God bless us all.

(I love you, Daddy.) Tito Sotto Gian Sotto Diorella Sotto-Antonio Kiko Pangilinan.”

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *