Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

X-Factor Phils finalist Mark Mabasa, pinahanga at pinakilig pati DJ-hosts ng 88.5 Shibuya Cross-FM sa Tokyo

 Si Mark Mabasa kasama ang sikat na DJ-hosts sa programang Happy Stage ng 88.5 Shibuya Cross-FM na sina Seiko Hashimoto, Rinna Ishikawa, Yumesaki Airi,at Ayaka Kamiguchi.

Si Mark Mabasa kasama ang sikat na DJ-hosts sa programang Happy Stage ng 88.5 Shibuya Cross-FM na sina Seiko Hashimoto, Rinna Ishikawa, Yumesaki Airi,at Ayaka Kamiguchi.

MARAMI na rin palang fans ang X-Factor Philippines at Macau Kotai Jazz Festival finalist na si Mark Mabasa kahit sa bansang Japan.

Noong Marso ay nagtungo si Mark sa Japan para bisitahin ang ilang malapit na kamag-anak na roon naninirahan.

Pero ‘di sinasadyang nakatagpo ng world class singer na si Mark ang isang dating Pinay entertainer at malapit na kaibigan ng kanyang parents na tulad niya ay mga dating musician na matagal nagtanghal sa Japan noong mga dekada ‘70 hanggang ’80.

Ang nasabing Pinay ay matagal nang naninirahan sa Japan at nakapag-asawa ng Hapones na kasalukuyang top executive ng isang malaki at kilalang broadcasting station sa Tokyo.

Agad iginawa ng Japanese radio executive ng schedule na maging guest si Mark at siya ang kauna-unahang Pinoy at foreign artist na naimbita sa 88.5 Shibuya Cross-FM sa Tokyo.

Sa kanyang impromptu performance, kinilig pati ang mga sikat na DJ-host ng Happy Stage na sina Seiko Hashimoto, Rinna Ishikawa, Yumesaki Airi, at Ayaka Kamiguchi kaya’t tumagal ng halos isang oras  ang interview kay Mark, kasama ang naatasang interpreter ng radio station.

Kasalukuyang pinaplantsa ang alok ng isang Japanese producer sa ibang guesting at concert tour ni Mark sa Japan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …