Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Lihim na bartolina’ sa MPD PS1 was not a secret jail?! (Supt. Roberto Domingo minalas na naputukan)

IRERESPETO na lang siguro ni Supt. Roberto Domingo ang ‘Omerta’ sa likod ng ‘secret jail’ na ibinuyangyang ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamumuno ni Commissioner Chito Gascon.

Sa isyung ito, dalawang punto ang gusto nating pansinin ng ating mga suking mambabasa.

Una — napakatalas naman ng pang-amoy ng CHR at ‘yung ‘bartolina o ‘secret jail’ sa MPD PS1 station ang ‘napagkatuwaan’ nilang ibuyangyang sa publiko.

(By the way, ayon sa isang pulis-uno na nakausap natin, may tinabla kasing nagsusuhol na isang kamag-anak ng pusher ang mga operatiba ng station one kaya ang ginawa ay gumanti at nagsumbong sa CHR)

Pero ‘yung mga nagsisiksikang inmates sa isang napakaliit na detention cell sa mga presinto at jail ay hindi man lang nila makalampag?

‘Yung binansagan nilang secret jail ay nagkaroon sila ng oras para bisitahin pero ‘yung mga lantad na detention cell sa bawat estasyon ng pulisya sa buong bansa ay hindi nila nabibisita gayong mayroon naman pala silang ‘visitation power.’

Wattafak!?

Iba ba talaga ang tinitingnan sa tinititigan CHR Chair Chit Gascon?!

Muntik na nga tayong maniwala na ang concern lang ninyo ay human rights violations pero bigla tayong napailing nang marinig natin na sinisi ninyo ang giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

050317 gascon CHR

Chairman Gascon, Sir, nasabi ba sa inyo ng inyong tipster na hindi sikreto ‘yang secret jail na ‘yan, ayon mismo sa mga pulis at kaanak ng mga nakakulong diyan?!

Kahit itanong pa ninyo kay Major “Dayunyor”!

Matagal na nilang alam ‘yan —  bartolina noon, secret jail ngayon.

Minalas nga lang si Kernel Domingo na sa administrasyon niya pumutok ‘yan.

Pero kung gusto ninyong wakasan ang ganyang sistema, dapat ninyong busisiin kung kanino pa nag-umpisa ‘yang ‘aparador’ na ‘yan at kung paano nagpasalin-salin sa mga sumunod na station commanders.

Alam ba ninyo Chairman Gascon, gusto naming itanong: “Winter ba kayo?!”

Itanong ninyo kung bakit?!

Kasi ang pananaw ninyo sa ‘human rights’ parang winter snow na binubuhusan ng tubig para umagos kapag kailangan. Pagkatapos muli na namang titigas para maging yelo.

Ganyan po ang pananaw ninyo sa human rights — weder-weder lang.

Hik hik hik…

Ikalawa — bakit sa dami ng human rights violations (HRV) laban sa hanay ng mga mamamahayag, wala man lang naibuyangyang ang CHR?!

Chairman Gascon, subukan n’yo kayang alamin kung paano sinisikil ang karapatan ng mga mamamahayag ng mga balat-sibuyas na opisyal ng gobyerno at pulis kapag nakakanti sila?!

‘Yung mga ‘balat-sibuyas’ na pulis at barangay official na napakasipag maghain ng kasong libel kapag napupuna ang mga kamalasadohan nila sa kanilang posisyon.

Na mabilis namang isinasampa ng piskalya sa korte kahit walang probable cause.

At ‘yung korte naman, napakabilis maglabas ng arrest warrant kahit wala pang “information.”

‘Yan dapat ang binubusisi ninyo, Chairman Gascon!

‘Wag kayo, masyadong magpahalata, lumalabas ang ‘jaundice’ ninyo…

Ay sus!

KIM WONG GUSTONG
MAGING ONLINE GAMING
KING SA PINAS

Dati ang tawag kay Kim Wong, king of restaurateurs at KTV clubs, dahil nakopo niya ang Katigbak Drive diyan sa Army Navy na kanyang inihilera ang kanyang mga restaurant gaya ng Pantalan, Lami at iba pa.

Pero siyempre, natapos ang maliligayang araw ng Patron noon ni Kim Wong kaya umiba siya ng linya — online gaming naman.

Matagal nang usap-usapan ‘yan pero nabuyangyang nang na-hack ang Bangladesh Bank at napunta sa RCBC ang idedepositong dolyares.

Dahil likas na wais at magulang, agad nakapagtahi ng rason si Kim Wong at ang nadiin ay si RCBC Branch  Maia Santos-Deguito.

Nakapagtataka na lahat ay nakasuhan pero hindi si Kim Wong, dahil nangakong isasauli umano niya ang naideposito sa account nila.

Ang tanong, naisauli na ba niyang lahat?!

At kapag naisauli na ba, hindi na sasampahan ng kaukulang kaso?!

At bakit bukod tanging ang online gaming ni Kim Wong ang hindi nabubusisi ngayon!?

Ang kanyang mga kakompitensiya ang parang pinag-iinitan lang!?

Bagyo talaga ang koneksiyon ngayon ni Kim Wong!

Tsk tsk tsk…

SARA DUTERTE
NADESMAYA SA NPA

050317 sara duterte

Dear Sir:

Kinondena ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang ginawa ng New People’s Army na panununog sa Lapanday Foods Corporation at iba pang mga ilegal na aktibidad nila. Dagdag niya talagang hindi mapagkakatiwalaan ang mga NPA kahit na nag-abot siya ng pagkakataon para sumuko sila.

Sa nangyaring ito, maraming empleyado ang apektado at nawalan ng trabaho. Nabiktima ng walang isip at walang konsensiyang rebeldeng grupo. Damay na ang mga pamilya nilang umaasa sa kabuhayan na dala ng mga planta na sana ay makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Tila hindi naiisip ng mga rebelde na tulad nila, ang kanilang mga biktima ay mayroon ring pamilya. Pamilya na sana ay namumuhay nang matiwasay. Sana ay mag-isip muna sila na tulad nila nais rin ng mga naghihirap na Filipino ng pagbabago ngunit hindi tulad ng pamamaraan nilang armado.

Nikki R. Pabulayan
Fort Bonifacio, Taguig City
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *