Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P8-B kontrata ng UGEC sa e-passport kung ilegal, bakit hindi ibalik ng DFA sa BSP!? (Sino ba ang tunay na may-ari?)

ANG kompanyang United Graphic Expression Corp. (UGEC), ang nakakuha ng P8-bilyones kontrata sa pag-iimprenta ng e-passport.

‘Yan ay sa ‘kagandahang-loob’ ng quasi-government entity na Asia Productivity Office – Printing Unit (APO-PU).

Supposedly, APO-PU ang kakontrata ng Department of Foreign Affairs (DFA).

‘Yan ay matapos nilang tanggalin ang nasabing kontrata sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Tinanggal nila ang kontrata dahil masyado umanong abala ang BSP sa rami ng gawain nila kaya nagkakaroon daw ng delay noon sa issuance ng mga passport.

Tinitingnan rin nila na walang kapasidad ang BSP na gawin ang e-passport.

Sa madaling sabi, napunta sa APO-PU at UGEC ang P8 bilyones na kontrata sa pag-iimprenta ng ating e-passport.

Inakala ng DFA, nang makuha ng APO-PU at UGEC ang kontrata ay mapapabilis na ang pag-iimprenta at pagre-release ng e-passport…

050217 money passport

Pero isang malaking maling akala.

Iimbestigahan na ng Kamara kung paano ipina-subcontract ng APO nakaraang Aquino administration ang kontrata sa UGEC.

Ayon naman kay Chief Presidential legal counsel Salvador Panelo, ang APO-PU ay nakagawa ng grave abuse of discretion kaya mayroon silang pananagutang kriminal at administratibo sa pakikipag-negosyo sa UGEC.

Dahil ang APO-PU ay nasa ilalim ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) na pinamumunuan noon ni Secretary Sonny Colokoy ‘este Coloma at ngayon ni Secretary Martin Andanar, binubusisi ngayon ng Malacañang ang alegasyon na nilabag ng UGEC ang kondisyones sa umiiral na Joint Venture Agreement (JVA) nila ng APO-PU.

Kabilang rito ang kabiguang mai-deliver ang functioning disaster recovery system, hindi nai-supply ang 400,000 buffer stock passports, at ang biglang pagpapalit ng suppliers para sa produksiyon, nang hindi ipinaaalam sa DFA.

Lahat ito ay natukalasan ni dating Foreign Secretary Perfecto Yasay noong Nobyembre 2016 kaya agad niyang ipinakansela ang JVA at MOU (Memorandum of Understanding) dahil hindi nagarantiyahan ng APO-PU na protektahan ang interes ng pamahalaan.

Kasunod nito, pumutok ang isyu ng US citizenship ni Yasay hanggang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang tanong: Sino ba talaga ang nagmamayari ng UGEC? Totoo ba na pamilya Ayala ang isa sa may malaking share of stocks sa UGEC?

Kung ilegal ang sub-contract ng APO-PU at UGEC bakit hindi ibalik sa BSP ang pag-iimprenta ng e-passport?!

Hanggang ngayon hindi pa nasasagot ‘yan P8-bilyong katanungan na ‘yan…

Wattafak!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *