Monday , December 23 2024

LTO nambobola lang sa de-plastik na lisensiya?

ISA nga bang magandang balita ang inianunsiyo nitong nagdaang linggo ng Land Transportation Office (LTO) na available ang plastic driver’s license.

Kung totoo man ang napaulat, masasabi ngang good news ito lalo sa matagal-tagal nang naghihintay nito o sabik nang makita ang kanilang de-plastik na lisensiya.

Ilan taon din nanabik ang milyong driver na makuha ang kanilang plastic na driver’s license. Panahon pa ni dating Pangulong Noynoy Aquino sila nag-apply pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila hawak ito. Noong panahon ni PNoy, pulos pananarantado lang ang LTO. Tinatarantado ang mga driver na pabalik-balik sa iba’t ibang distrito ng LTO matapos pangakuhan.

Sa tuwing nagre-renew noong panahon ni PNoy ay pulos papel o resibo ng pinagbayaran ang nauuwi ng driver – iyon na raw muna ang pansamanatalang lisensiya. Pero ang nangyari, ‘pansamantagalan’ pala. Iyan ang PNoy administration – bolero o manlalako lalo na sa plaka ng mga sasakyan at sticker para rito. Pera-pera lang ng Aquino admin. Pinaasa sa plaka na may seguridad daw. Lol!

Oo noong panahon ng nakaraang administrasyon, imbes papuntang modernisasyon ay bumalik ang LTO sa stone age. Kunsabagay mas maganda pa nga yata kung yari na lang sa bato ang ipinagawa ng LTO noong panahon ni PNoy – unique pa kung bato. Hehehe…

Hayan, namatay lang kasi ang nanay niyang si dating Pangulong Cory Aquino ay ibinoto na… e wala rin naman palang ‘wenta. Pulos paninisi lang ang pinaggagawa.

Balik tayo sa good news ng LTO. Totoo ba ang magandang balitang ito? Ewan ko lang ha. Bakit naman?

Mukha kasing bola rin ang lahat base sa ipinarating na balita sa atin ng ilang kakilalang sumubok makuha ang lisensiya na nauwi naman sa wala. Nauwi sa wala ang pagpunta sa LTO? Ibig sabihin ba’y kasinungalingan na may plastik na?

Actually, available naman araw-araw ang de- plastik na lisensiya, kaya lang para sa mga dayuhan lang pero ang para sa mga Pinoy, papel lang. Oo, kapag Pinoy ang kukuha ng lisensiya ay papel lang ang ibinibigay pero kapag foreigner ay de-plastik na. Bakit kaya? Pakitang-tao siyempre.

Bukod sa foreigner, kung may kakilala ka sa loob ng LTO lalo na sa ‘bintana’ ng mga nag-iisyu ng de- plastik partikular sa pilahan para sa lisensiya ng dayuhan,  Pinoy ka man ay makukuha mo agad ito pero kung walang kakilala… doon ka sa pilahang para sa Pinoy at ang maiuuwi mong lisensiya — papel.

Tungkol sa puwede nang makuha ang de-plastik na lisensiya – hindi raw ito totoo? Teka po, base sa nakalap po nating ulat – para sa Metro Manila drivers lang ang good news o iyong mga kumuha ng lisensiya saan man tanggapan ng LTO sa National Capital Region. Meaning, wala pa sa mga probinsiya – papel pa rin kayo.

Base sa ulat ng LTO, maaari nang kunin ng mga nag-apply ng lisensiya sa district offices sa Metro Manila ang kanilang plastic driver’s license.

E, wala pa rin naman daw po sir Atty. Clarence Guinto, LTO-NCR Director. Ganoon ba? Iyan ang sumbong ng ilang kakilalang kasama sa hanapbuhay o kakilalang jeepney drivers.

Nagpunta raw sila sa ilang district office pero bigo silang maiuwi ang de-plastik na lisensiya.

Naku ha, isa lang palang pambobola ang good news ng LTO.

Pero mga kaibigan, paglilinaw po ng LTO, puwede nang makakuha ng plastic driver’s license iyong mga lisensiyang hanggang tatlo (3) taon lang ang extension at hindi iyong limang (5) taon. Kaya bago kayo magtungo sa LTO, double check po ninyo muna ang inyong lisensiya.

Ano pa man LTO-NCR director, Atty. Guinto, paki-double check po. Mga lumapit po kasi sa atin ay para sa tatlong taon ang kanilang lisensiya pero nang magtungo sila sa LTO sa P. Tuazon Avenue, Cubao, Quezon City ay wala naman silang naiuwing de-plastik na lisensiya.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *